Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

SHOOTING INCIDENT SA TACLOBAN

Nanawagan si House Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng agarang pagpasa sa House Bill No. 9825 o Digital Safety of Minors Act, kasunod ng shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi at ikinasugat ng ilang mag-aaral.

Nagpaabot si Suarez ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktimang nasawi at maging sa mga naapektuhan ng madugong trahedya at iginiit na walang magulang, guro, o komunidad ang dapat makaranas ng ganitong klaseng sakit at takot.

Aniya, ang paaralan ay dapat ligtas na lugar o kanlungan ng pagkatuto at pagbuo ng pangarap ng mga mag-aaral at hindi ng karahasan.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, ang mga suspek ay na-expose umano sa mararahas na online content at may nakababahalang post sa social media na nagdulot ng pangamba sa epekto ng online safety.

Patunay aniya ito na dapat palakasin at higpitan ang proteksiyon ng mga menor de edad sa digital space sa pamamagitan ng age verification, parental consent, default safety settings, at pagbabawal sa targeted advertising sa mga bata.

Itinuturing ni Suarez na “wake up call” ang naganap na pamamaril sa Tacloban na kailangang maging seryoso sa pagprotekta sa mga anak pagdating sa paaralan, tahanan, at maging sa digital world na araw-araw nilang ginagalawan.

Iginiit ni Suarez, na hindi dapat binabalewala ang epekto ng harmful content, cyberbullying, online exploitation, at masasamang impluwensya sa mga kabataan.

Naniniwala si Suarez, na kapag ang mga bata ay naiiwan sa digital spaces nang walang sapat na gabay at proteksiyon, lumalaki ang panganib sa kanilang kaligtasan, pag-iisip, at paghubog bilang isang tao.

Nanawagan rin si Suarez sa mga kaukulang ahensya na palakasin ang security protocols sa mga paaralan at magbigay ng suporta sa mga pamilyang apektado ng pamamaril sa Tacloban. | via Geli Mendez/DWIZ Patrol

June 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
trillion pesos pera

May planong umutang ang pamahalaan ng aabot sa P1.12 trillion sa domestic debt market sa ikatlong quarter ng taong ito sa gitna ng nagpapatuloy na paghina ng pambansang ekonomiya.

Batay sa datos na isinapubliko ng Bureau of Treasury (BTr), aabot sa P700 billion na treasury bonds at P420 billion na treasury bills ang uutangin ng pamahalaan.

Ayon kay National Treasurer Sharon Almanza, ito na ang pinakamalaking halaga na kayang utangin ng gobyerno habang pinapanatili nito ang kakayahang ayusin ang naturang halaga kung kakailanganin.

Samantala, iginiit ni John Paolo Rivera ng Philippine Institute for Development Studies na sinasalamin ng naturang panghihiram ng pamahalaan ang plano nitong mas piliin ang domestic financing, kahinaan ng piso kontra dolyar, at mas malaking gastos sa pangungutang sa labas ng bansa. — sa panulat ni Anjo Riñon

June 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PHILIPPINE ARMY

Iniimbestigahan na ng Philippine Army ang insidente ng pisikal na pang-aabuso ng isang instructor sa ilang national guard trainee sa isang fellowship activity ilang araw bago ang kanilang graduation sa loob ng Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.

Batay sa salaysay ng isa sa mga national guard trainee, hindi bababa sa sampu ang pinagbuhatan ng kamay ng nirereklamong instructor, na may ranggong staff sergeant, na sinasabing lasing noong nangyari ang insidente.

Ayon kay Army 2nd Infantry Division spokesman Colonel Micahel Aquino, hindi kukunsintihin ng Philippine Army ang anumang paglabag sa disiplina ng alinman sa mga military personnel nito.

Kung mapatutunayan anyang ginawa ng nirereklamong instructor ang umano’y pang-aabuso laban sa mga trainee, maaari itong parusahan, ngunit hindi idinetalye kung kabilang ang pagharap nito sa court martial. — sa panulat ni Anjo Riñon

June 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ina ni Rene Baterbonia

Nakatakda nang ihatid ngayong araw sa kanyang huling hantungan ang nasawing Ateneo Student-Athlete na si Rene Baterbonia.

Kaugnay nito, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Talacogon, Agusan Del Sur ang Hunyo 8 bilang “Rene Clert Baterbonia Day,” bilang parangal sa naturang basketbolista ng Ateneo Blue Eagles matapos malunod sa nangyaring aktibidad ng koponan sa Dipaculao, Aurora noon lamang Hunyo 8.

Ayon sa Talacogon LGU, nais nitong parangalan ang naging ambag ni Baterbonia sa sports development, disiplina, at pagse-serbisyo sa komunidad.

Nabatid na idineklara ang naturang resolusyon kahapon, Hunyo 23, bago ang nakatakdang paghahatid kay Baterbonia sa kanyang huling hantungan.

Nauna nang ipinahayag na si Baterbonia ang kauna-unahang ililibing sa bagong sementeryo ng bayan ng Talacogon. — sa panulat ni Anjo Riñon

June 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TACLOBAN SHOOTING INCIDENT

Pinangalanan na ang tatlong estudyanteng biktima ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Kinilala ang mga biktima na sina Joyancee “Yancee” Separa (15, grade 9 student); Ayessa Nicole Dazo (14, grade 9 student); at Chris Lorenz Fabian (15, grade 10 student).

Nabatid na kinuhanan ni Separa ang isa sa mga viral video ng insidente bago siya binaril.

Si Dazo naman ang nakuhanan ng isa pang video na karga-karga ng ilang indibidwal upang itakbo sa ospital, ngunit kalauna’y idineklarang dead-on-arrival.

Itinuturing namang bayani si Fabian matapos niyang tinangkang harangin ang pintuan ng isang classroom, dahilan upang makatakas ang kanyang mga kaklase.

Sinubukan din niyang protektahan ang kanyang mga kaklase, ngunit tinamaan siya ng bala sa likod, na kanyang ikinamatay.

Samantala, inanunsyo ng Malacañang na makatatanggap ng tig-P150,000 na financial assistance ang pamilya ng mga nasawing estudyante. — sa panulat ni Anjo Riñon

June 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MENOR DE EDAD STUDENT KABATAAN

Nanawagan si Senador Robin Padilla na muling talakayin sa senado ang panukalang ibaba sa sampung taong gulang ang maaaring makasuhan sa bansa sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act.

Ayon kay Senador Padilla, kailangan ng agarang aksyon kasunod ng mga seryosong insidenteng kinasasangkutan ng mga menor-de-edad, kabilang ang school shooting sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte.

Iminungkahi rin ni Sen. Padilla ang posibleng pagdaraos ng special session sa senado, upang mapag-usapan ang panukala at iba pang hakbang para sa kaligtasan ng mga estudyante sa loob at labas ng mga paaralan.| sa ulat ni Reabelle Medina

June 23, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KABATAAN TACLOBAN SHOOTING INCIDENT CURFEW

Iginiit ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na may kaukulang pananagutan ang mga menor-de-edad na nasasangkot sa krimen sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act.

Kasunod ito ng panawagan na ibaba ang edad ng criminal responsibility matapos ang insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City, na ikinasawi ng apat na katao at ikinasugat ng 15 indibidwal.

Ayon kay Senador Pangilinan, sa ilalim ng nasabing batas, hindi nangangahulugang malaya sa pananagutan ang mga bata na nakagawa ng krimen.

Sa halip, isinasailalim sila sa mga intervention program, layong maiwasan ang pag-ulit ng krimen.

Binigyang-diin din ni Sen. Pangilinan na labag sa batas ang pagpapalaya sa mga menor-de-edad na nasasangkot sa krimen nang walang tamang proseso at interbensyon. | sa panulat ni Reabelle Medina

June 23, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PAMAMARIL SA TACLOBAN SHOOTING INCIDENT

Nagluluksa ang Archdiocese of Palo sa nangyaring pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City, na ikinasawi ng apat na estudyante nito.

Sa pahayag na inilabas ni Palo Archbishop John Du, inihahandog niya ang kanyang panalangin hindi lamang sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan, kundi pati na rin sa mga naapektuhan sa insidente.

Dagdag pa ng Arsobispo, nagsisilbing hamon ang naturang pamamaril sa kung papaano pinapalaki ng lipunan ang mga kabataan at kung ano ang mga aral na iniiwan sa mga ito.

Hinimok din ni Archbishop Du ang publiko na magkaisa at tiyaking hindi na muling mangyayari ang nasabing insidente ng pamamaril.

Samantala, ibinahagi naman ni Fr. Mark Ivo Velasquez, isang pari ng Archdiocese of Palo, ang kanyang karanasan sa kanyang pagdalaw sa pinangyarihan ng pamamaril.

Ayon kay Fr. Velasquez, bukod sa pananalangin sa palibot ng paaralan, dinamayan din niya ang mga naapektuhan ng pamamaril. — sa panulat ni Anjo Riñon

June 23, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PISO KONTRA DOLYAR

Noong Hunyo 22, ang palitan ay nagsara sa P61.12 kada US dollar, mas mahina ng 34 sentimos kumpara sa P60.775 kada dollar noong Hunyo 19. Ibig sabihin, mas maraming piso ang kailangan ngayon para makabili ng isang dolyar.

Ayon kay John Paolo Rivera ng Philippine Institute for Development Studies, ilan sa mga dahilan ng paghina ng piso ay:

  • Mas maraming mamumuhunan sa buong mundo ang mas pinipiling humawak ng US dollar.
  • Tumaas muli ang presyo ng langis at produktong petrolyo, na kadalasang nagpapataas ng pangangailangan ng bansa sa dolyar para sa pag-aangkat.

May ilang ekonomista rin na nagsabi na kahit itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang policy rate (interest rate), hindi nito napalakas ang piso dahil natabunan ang epekto nito ng mga kaguluhan at kawalang-katiyakan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa madaling salita: Humina ang piso dahil mas malakas ang demand para sa US dollar at dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, habang ang mga pandaigdigang problema ay nakaapekto rin sa halaga ng piso. — sa panulat ni Anjo Riñon

June 23, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ATENEO PLAYER ADILI

Ihahatid ngayong araw, Lunes, Hunyo 22 ang labi ni Divine Adili mula sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City patungong paliparan para sa repatriation sa kanyang bansang Nigeria.

Dinaluhan ng mga kaibigan, kamag-anak, kasamahan sa koponan, at mga opisyal ng Ateneo de Manila University ang paghahatid sa 21-anyos na manlalaro.

Si Adili at ang kanyang teammate na si Rene Baterbonia ay nasawi matapos malunod sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

June 22, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest