Dapat pagbawalan ang mga menor de edad sa paggamit ng social media platforms, tulad ng Facebook at TikTok.
Isa ito sa mga panukalang batas na inihaing ni Senator Panfilo Lacson na layong utusan ang mga social media platforms na i-take-down ang accounts na matutukoy na menor de edad o wala pang 18 taong gulang ang gumagamit.
Aatasan din ang social media platforms na magkaroon ng paraan para matiyak ang edad at identity ng gagamit ng account gaya ng I.D. verification at facial recognition; regular na audit ng user account data at paglikha ng age-restrictions sa platforms.
Kailangan din ng mga ito ng third party age verification providers.
Ipinunto ng mambabatas ang resulta ng isang pag-aaral na nagsasabing ang labis na paggamit ng mga bata ng social media ay maaaring magdulot ng problema sa mental health gaya ng pagkabalisa, depresyon at social isolation.