Tiniyak ng Malacañang na pakikinggan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sentimyento ng publiko kaugnay ng muling pagsapi ng Pilipinas sa International Criminal Court.
Kasunod ito ng inilabas na survey ng OCTA Research na nagsasabing mas maraming Pilipino ang pabor sa muling pagpasok ng bansa sa ICC.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na bagama’t hindi pa muling napag-uusapan sa Palasyo ang isyu, bukas naman ang Pangulo sa mga saloobin ng taumbayan.
Ayon pa kay USEC. Castro, abangan na lang daw sa mga susunod na araw kung ano ang magiging opisyal na posisyon ng Pangulo sa naturang usapin.