Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

VP SARA

Hindi matatapos ngayong araw ang pre-trial proceedings sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa dami ng mga dokumentong kailangang suriin, ayon kay Senate Secretary Rey Bantug.

Sinabi ni Bantug na ang Article I pa lamang, na may kaugnayan sa umano’y maling paggamit ng confidential funds, ay binubuo na ng humigit-kumulang 4,000 dokumento.

Dahil dito, magpapatuloy pa sa ikatlong araw ang pre-trial. Target ng Senado na mailabas ang pre-trial order sa Hunyo 25, na maglalaman ng mga napagkasunduan ng magkabilang panig sa mga pagdinig.

June 22, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CONG MARCOLETA

Pinabulaanan ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga ulat na may nakabinbing warrant of arrest laban kay Sen. Rodante Marcoleta.

Ayon kay Remulla, wala umanong naisampang kaso laban sa senador at kailangan munang magkaroon ng kaso sa Sandiganbayan bago maaaring maglabas ng arrest warrant.

Sinabi naman ni Marcoleta na handa siyang sumama sa mga awtoridad kung sakaling may umiiral na warrant laban sa kanya.

Samantala, kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na wala silang natatanggap na anumang arrest warrant para sa senador, ayon kay PNP Public Information Office OIC Col. Allen Rae Co.

June 22, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LANGIS

Ayon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), hindi agad mararamdaman ng mga Pilipino ang benepisyo ng pagbaba ng presyo ng langis matapos ang kasunduang tigil-putukan sa Gitnang Silangan.

Ipinaliwanag ni PIDS President Philip Arnold Tuaño na dahil mataas pa rin ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, maaaring matabunan ang epekto ng mas murang langis. Posible ring abutin ng ilang buwan bago ito makaapekto sa presyo ng mga produkto at serbisyo.

Sinabi ito ng PIDS matapos itaas kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang key policy rate nito ng 25 basis points bilang bahagi ng mga hakbang upang kontrolin ang inflation.

Noong Mayo, bumagal nang kaunti ang inflation rate ng bansa sa 6.8% mula sa 7.2% noong Abril, ngunit nananatili pa rin itong mataas.— sa panulat ni Anjo Riñon

June 22, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Philippines_flag_Credit_ronaldbuday_Shutterstock_CNA

Isinusulong ni senador Erwin Tulfo ang panukalang “no work, no pay” para sa mga matataas na opisyal ng gobyerno na hindi pumapasok sa trabaho nang walang sapat na dahilan.

Ayon kay Sen. Tulfo, hindi makatarungan na patuloy na tumatanggap ng sweldo ang ilang opisyal kahit matagal nang hindi nagagampanan ang kanilang tungkulin.

Sakop aniya ng naturang panukala ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga senador, kongresista, mga cabinet secretary, at iba pang pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ni Sen. Tulfo, na panahon na upang igiit ang pananagutan ng lahat ng opisyales sa gobyerno, partikular sa usapin ng pagpasok sa trabaho at pagtanggap ng benepisyo.

Umaasa si Sen. Tulfo na maipapasa ang panukala upang mas maging disiplinado at mas responsable ang mga opisyal ng pamahalaan. | sa panulat ni Reabelle Medina

June 22, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
alan cayetano

Ibinunyag ni senador Erwin Tulfo na hinaharang ni Sen. Alan Peter Cayetano ang paglipat ng dalawang mambabatas patungo sa grupo ng bagong mayorya.

Ito ay matapos na may dalawang senador na lumapit kay Sen. Tulfo at nagpahayag ng kagustuhang makipagtulungan at mag-trabaho sa grupo ni acting Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian.

Ayon kay Sen. Tulfo, kabilang sa mga posibleng lumipat si Sen. Joel Villanueva na nakatakdang dumalo sa special session ngayong araw, June 17, habang patuloy din ang pakikipag-usap sa dalawa pang senador.

Samantala, inaasahang malalaman na ngayong araw kung may opisyal na lilipat sa hanay ng grupo ni acting SP Gatchalian, kasabay ng patuloy na diskusyon sa loob ng senado hinggil sa magiging pormasyon ng mayorya. – mula sa panulat ni Reabelle Medina

June 17, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE MALETA BOYS

Mariing sinabi ng senado na hindi nito kikilalanin ang napaulat na pagdinig ng minority bloc kaugnay ng imbestigasyon sa flood control ngayong araw, June 16.

Ayon kay acting Senate President Sherwin Gatchalian, tanging ang Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni senador Erwin Tulfo ang may opisyal na otoridad na magsagawa ng pagdinig.

Aniya, anumang imbestigasyon na isinasagawa sa labas ng naturang komite ay walang legal na katayuan at hindi kinikilala ng institusyon.

Samantala, inanunsyo naman ni dating kongresista Mike Defensor sa social media na itutuloy ang sinasabing pagdinig ng “blue ribbon committee” sa doublegem EDSA Garden Events Place ngayong alas-10 ng umaga.

Sa naturang aktibidad, inaasahang haharap ang tinaguriang 18 “maleta boys” at posibleng madagdagan pa ito ng 14 na iba pang personalidad.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang senado sa lahat ng mga witness at resource person na tumugon sa imbitasyon ng opisyal na komite. –  mula sa panulat ni Reabelle Medina

June 16, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
STUD - ATHLETE DROWN

Kasalukuyang nagtatag ang Ateneo De Manila University ng isang independent fact-finding panel, upang imbestigahan ang pagkamatay ng mga student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Ayon kay Ateneo President Father Roberto Yap, layunin nitong matiyak ang ganap na katotohanan, transparency, at katarungan kaugnay ng insidente.

Samantala, binigyang-diin ni Fr. Yap na binubuo ang panel ng mga panlabas na eksperto sa batas at teknikal na larangan at ganap na hiwalay sa administrasyon ng unibersidad.

Aniya, isusumite ang resulta at mga rekomendasyon direkta sa board of trustees, habang nakikiisa rin ang ateneo sa iba pang imbestigasyon ng mga ahensya ng gobyerno.

Gayundin, inihayag ng unibersidad na patuloy ang pagbibigay nila ng suporta sa mga naiwang pamilya, kabilang ang pag-ako sa gastusin sa biyahe ng pamilya ni Baterbonia mula Agusan Del Sur at ng pamilya ni Adili mula Nigeria, pati na rin ang pagpapauwi ng labi nito. –  mula sa panulat ni Reabelle Medina

June 16, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SARANGANI QUAKE GLAN SARANGANI

Nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Glan Evacuation Center sa Sarangani ngayong araw, Lunes, Hunyo 15, upang personal na suriin ang kalagayan ng mga pamilyang lumikas matapos ang magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Soccsksargen.

Kabilang ang Glan sa mga pinakamalubhang naapektuhan, na nakaranas ng pagguho ng lupa, pagkasira ng mga bahay, at pagkaantala ng mga pangunahing serbisyo. Mahigit 130 pamilya ang nananatili sa evacuation center habang nagpapatuloy ang relief at damage assessment operations.

Inaasahang makikipagpulong ang Pangulo sa mga evacuee at tatanggap ng ulat mula sa mga lokal at pambansang opisyal hinggil sa patuloy na pagtugon at rehabilitasyon sa mga apektadong komunidad.

Photo courtesy: PIA Region XII

June 15, 2026 2 comments
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SARANGANI QUAKE 7.8

Umabot na sa 6,058 aftershocks ang naitala ng PHIVOLCS hanggang Lunes ng umaga, Hunyo 15, isang linggo matapos ang magnitude 7.8 na offshore na lindol na yumanig sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa ahensya, ang mga aftershock ay may lakas na mula magnitude 1.2 hanggang 6.4.

Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon habang isinasagawa ang mga hakbang para sa kaligtasan at pagbangon ng mga apektadong komunidad.

June 15, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MINDANAO LINDOL 7.8 SARANGGANI

Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Alabel sa Sarangani dahil sa matinding pinsala dulot ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa lalawigan nitong Lunes ng umaga.

Sa isang social media post, inanunsyo ng Alabel Information Office ang resolusyon ng Sangguniang Bayan, at hinimok ang mga residente na manatiling alerto habang nagpapatuloy ang assessment at response operations.

Bukod dito, nagdeklara na rin ng State of Calamity si Glan, Sarangani Vice Mayor James Yap Junior.

Ang deklarasyon ng State of Calamity ang magbibigay daan upang agad na maipalabas ang disaster response funds at nagbibigay ng emergency powers sa lokal na pamahalaan na makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga residente. – mula sa panulat Reianne Antiquina

June 10, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest