Kinumpirma ni Senador Panfilo Lacson ang sinabi ni dating Public Works Secretary Roberto Bernardo na siya lang ang katangi-tanging mambabatas na hindi tumanggap ng kickback sa anumang infrastructure project ng pamahalaan.
Buwelta ito ni Lacson sa kanyang mga kritiko na nagdududa sa kanyang track record, kabilang si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, na inakusahan niyang may mga ghost project sa Taguig na balwarte nito.
Giit niya, wala siyang tinanggap na anumang uri ng suhol dahil iniingatan niya ang integridad ng kanyang karakter, na isa anyang pamana mula sa kanyang mga magulang na hindi makukuha ninuman.
Nauna nang nilinaw ni Lacson na lehitimong lumaki ang personal niyang yaman mula 2022 hanggang 2025, kung kailan isa siyang pribadong mamamayan at walang anumang katungkulan. | Sa panulat ni Anjo Riñon

