Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na papalo sa walong porsyento ang inflation rate ngayong Oktubre.
Ayon sa BSP, posibleng umabot sa 7.1 hanggang 8.1 porsyento ang inflation rate ngayong Oktubre.
Ipinaliwanag ng BSP na inaasahang magdudulot ng dagdag-presyo sa mga bilihin ang mataas na singil sa langis, kuryente, at transportasyon.
Gayunman, sinabi ng central bank na posibleng makabawas sa inflation ang mababang presyo ng ilang pangunahing agricultural products gaya ng bigas, gulay, karne, at isda.
Nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority ang opisyal na bilang ng inflation sa Nobyembre 5. | S panulat ni Reianne Antiquina

