Home NATIONAL NEWS Isa pang babaeng biktima ng karahasan ng kinakasamang pulis, nagpasaklolo sa Napolcom

Impeachment trial ni VP Sara, target tapusin ng prosekusyon sa ikalawang linggo ng Nobyembre

by DWIZ 882 October 26, 2026 0 comment
ace barbers

Target ng prosekusyon na matapos na sa buwan ng Nobyembre ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni House prosecution adviser at trial spokesperson Robert Ace Barbers, na posibleng matapos sa loob ng dalawang linggo ang presentasyon ng depensa kung walong araw lamang ang kanilang gagamitin para sa Article II na may kaugnayan sa alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman nina VP Sara at asawang si Atty. Mans Carpio.

Nabatid na nakatakdang magpatuloy ang mga pagdinig sa Senado sa darating na November 9, matapos ang pahinga para sa Undas 2026.

Iginiit ni Barbers na dapat magkasabay na ipataw ang pagtanggal sa puwesto at permanenteng pagbabawal sa paghawak ng posisyon sa gobyerno sakaling mahatulang guilty ang bise presidente ng Senate Impeachment Court.

Sinabi ni Barbers na kung susundin ang walong araw na iskedyul, posibleng matapos sa loob ng dalawang linggo ang presentasyon ng depensa, pero maaari pa rin nilang gamitin ang buong 30 araw na una nitong hiniling. | Sa panulat ni Geli Mendez

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment