Posibleng pumalo sa 4.2% hanggang 5.0% ang inflation rate sa Pilipinas ngayong Abril.
Ito ay ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, kung saan inaasahang bibilis pa ang antas ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.
Magugunitang nagtaas ng singil ang Meralco nang P0.0625/kwh dahilan kung kaya’t umabot sa P9.6467/kwh ang singil sa kuryente ngayong buwan mula sa P9.5842/kwh noong Pebrero.
Katumbas ito ng P13 na taas-singil sa bill ng residential customer na kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan.