Home NATIONAL NEWS Isa pang babaeng biktima ng karahasan ng kinakasamang pulis, nagpasaklolo sa Napolcom

Fare discount implementation, babantayan ng LTFRB sa Undas

by DWIZ 882 October 26, 2026 0 comment
LTFRB

Mahigpit na babantayan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng mandatory 20% discount sa pamasahe para sa mga estudyante, senior citizen at persons with disabilities o PWD sa paparating na Undas.

Ayon kay Acting LTFRB Chairman Atty. Greg Pua Jr., inatasan na ang mga operator na paalalahanan ang kanilang mga driver at konduktor na sumunod sa batas.

Palalakasin din anya ng ahensya ang pagmamanman sa lansangan at sa social media upang matiyak ang pagsunod sa alituntunin.

Babala ng LTFRB, maaaring masuspinde o makansela ang Certificate of Public Convenience ng mga operator na hindi magbibigay ng tamang diskwento, bukod pa sa iba pang parusang itinatakda ng batas.

Nagbabala rin si Pua sa mga taxi operator laban sa paniningil ng sobrang pamasahe, dahil inaasahang dadami ang mga pasaherong biyaheng papunta sa mga bus terminal at pangunahing transportation hub sa susunod na linggo.

Hinikayat ng LTFRB ang lahat ng operator na sumunod sa mga itinakdang pamasahe at regulasyon habang dumaragsa ang mga bumibiyahe para sa Undas. | Sa panulat ni Jordan Gutierrez

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment