Home NATIONAL NEWS Comelec, nagbabala laban sa fake news tungkol sa 2026 BSKE

House prosecution, hindi papayagan ang delaying tactics ng depensa ni VP Sara

by DWIZ 882 October 29, 2026 0 comment
ROBERT-ACE-BARBERS

Hindi papayagan ng prosecution team ang anumang uri ng delaying tactics ng depensa ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Ito ang tiniyak ni House prosecution adviser at trial spokesperson Robert Ace Barbers, na hindi nila papayagan ang anumang pagpapabagal ng depensa sakaling iharap na nila ang kanilang mga witness at iba pang ebidensiya sa impeachment trial laban kay VP Sara.

Ayon kay Barbers, hindi makokontra ng anumang taktika ang mga alegasyong nakapaloob sa Article II o unexplained wealth.

Maging ang paglabag sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng bise presidente.

Aniya, dapat mapatunayan ng mga witness ng depensa na may kaugnayan at mahalaga ang kanilang mga testimonya sa Article II.

Kasunod ito ng pangamba na posibleng magharap ang depensa ng maraming witness at gamitin ang lahat ng 30 trial dates na una nitong iminungkahi.

Inaasahang magsisimula sa November 9 ang paglalahad ng depensa sa kanilang ebidensiya.

Giit ni Barbers, hindi dapat gamitin ang karapatang magdepensa upang patagalin ang paglilitis at subukan ang pasensiya ng publiko. | Sa panulat ni Geli Mendez

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment