Malabo pa umanong pangalanan ng gobyerno ang bagong telecommunications company na papasok sa bansa bago ang ikatlong State Of the Nation Address ni PANGULONG Rodrigo Duterte sa Hulyo.
Ayon kay Information and Communications Technology Officer-In-Charge Eliseo Rio, bumabalangkas pa sila ng criteria sa pagpili ng ikatlong major service provider.
Aminado si Rio na masyado ng ipit ang Hulyo bilang kanilang deadline sa pagpili ng bagong telco player.
Naka-depende anya ang deadline sa pag-release ng ikalawa at huling draft ng terms of reference o T.O.R. na naglalatag ng rules and regulations sa selection process.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na revised T.O.R. ang kagawaran subalit inihayag ni Rio na ilalabas ang dokumento sa mga susunod na linggo.