Kinondena na rin ng mga foreign embassy sa Pilipinas ang pagpatay sa beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Kasabay nito ang pagpapahayag ng kanilang pagkabahala sa pinaka-bagong insidente ng pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa.
Hinimok ng mga Embahada ng Canada at Netherlands, na kapwa tagapangulo ng Media Freedom Coalition in the Philippines, ang Gobyerno ng Pilipinas na tiyaking makakamit ang katarungan at ligtas ang mga mamamahayag.
Kinatigan naman ng Embassy ng France at Micronesia ang pahayag ng Media Freedom Coalition.
Samantala, nananawagan din ng hustisya para kay Mabasa ang Foreign Correspondents Association of the Philippines.