Itinanggi ni Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez ang report na 100 pulis ang nagsisilbing security detail sa loob ng compound ng Iglesia ni Cristo sa Tandang sora, Quezon city
Sinabi ni Marquez na wala silang impormasyon sa naturang usapin at hindi naman ito aniya pinapayagan ng pulisya dahil limitado lamang sa mga indibidwal na may banta sa buhay ang pagbibigay ng security detail ng PNP.
Dalawa hanggang tatlong pulis lamang aniya ang ibinibigay na security detail sa mga indibidwal na may banta sa buhay
Samantala, itinanggi naman ni PNP Spokesman Wilben Mayor ang umanoy itinatagong command post ng PNP sa loob mismo ng INC Compound.
Binigyang diin ni Mayor na tanging sa mga pampublikong lugar lamang sila naglalagay ng command post.
By: Judith Larino I Jonathan Andal