Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Sen. Go, kinuwestiyon timing ng arrest warrant vs VP Sara

by DWIZ 882 September 5, 2026 0 comment
BONG GO

Kinuwestiyon ni Senador Christopher “Bong” Go ang timing ng paglabas ng warrant of arrest laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa kasong grave threats.

Ayon kay Senador Go, ikinagulat niya kung bakit ngayon lamang inilabas ang warrant habang gumugulong ang impeachment trial ng bise presidente sa Senado.

Gayunman, kumpiyansa ang senador sa kakayahan ng pangalawang pangulo na harapin ang mga nararanasang legal at political challenges.

Matatandaang inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang warrant matapos makitaang may probable cause upang litisin ang bise presidente sa tatlong bilang ng grave threats kaugnay sa pagbabanta umano sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Itinakda naman ang 120-thousand pesos na piyansa para sa bawat kaso. | Sa panulat ni Reianne Antiquina

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment