Ipatutupad na ang alert level system sa labas ng National Capital Region simula bukas, Oktubre 20 hanggang 31.
Batay sa anunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF), ipatutupad ang sumusunod:
Alert level 4 sa Negros Oriental at Davao Occidental.
Alert level 3 sa Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City at Davao Del Norte.
Habang alert level 2 naman sa Batangas, Quezon Province, Lucena City, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue at Cebu Province. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)