Home NATIONAL NEWS VP Sara, posibleng maharap sa kasong plunder at malversation

Apat na panukalang batas para sa ecotourism at komunidad, isinusulong sa Kamara

by DWIZ 882 October 19, 2026 0 comment
adrian salceda

Isinusulong ni Albay 3rd District Rep. Adrian Salceda ang apat na panukalang batas para sa pagpapaunlad ng ecotourism sa lalawigan, kasabay ng pangangalaga sa kalikasan at paglikha ng kabuhayan para sa mga residente.

Sa ilalim ng panukala, pauunlarin ang 4 na likas at makasaysayang lugar sa lalawigan, kabilang ang Mount Quiasog sa Libon, Simeon Ola Cave sa Guinobatan, Jovellar Cave and Underground River, at Buhawi Hills sa Pio Duran.

Target din ng panukala na mapalawak ang mga destinasyon ng mga turista sa Albay, mapangalagaan ang kalikasan, mabigyang-proteksiyon ang pamana ng kasaysayan, at makalikha ng kabuhayan para sa mga lokal na komunidad.

Sa kaniyang privilege speech sa House Committee on Tourism, sinabi ni Salceda na hindi lamang Bulkang Mayon ang maaaring puntahan sa Albay dahil marami pang likas at makasaysayang lugar ang dapat matuklasan, kabilang na ang kuweba, mga bundok, at underground river.

Kabilang sa mga batas na itinutulak na maipasa ang House Bill Nos. 4002, 4008, 4010, at 4013 na may iisang prinsipyo… ang paramihin ang turista, makatulong ang bawat turistang darating sa kabuhayan ng komunidad, mapalawak ang oportunidad sa kanilang kabuhayan, at mapanatili ang kasaysayan at kultura ng Albay.

Binigyang-diin ng mambabatas na kailangang tiyaking hindi masisira ang kalikasan sa pagdami ng mga turista, habang nabibigyan ng oportunidad ang mga lokal na komunidad na kumita mula sa turismo. | Sa panulat ni Geli Mendez

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment