Hindi pa napapanahon na ibaba sa Alert level 2 ang National Capital Region (NCR) at ilan pang lalawigan sa pagsapit ng Pebrero.
Ito ang sinabi ni UP Pandemic Response Team Doctor Jomar Rabajante dahil nananatili pa ring mataas ang naitatala na arawang kaso ng COVID-19 sa bansa kahit pababa na ang kaso sa Metro Manila.
Sa katunayan aniya’y kapantay pa ng peak o rurok ng Delta variant ang halos 17K bagong kaso na naitala sa bansa kahapon.
Giit naman ni Public Health Expert Doctor Anthony Leachon, posibleng mas mataas pa ang totoong bilang ng bagong kaso kumpara sa nabanggit dahil hindi naman aniya kasama sa tally ng Department of Health (DOH) ang mga nagpopositibo sa antigen test.
Samantala, sinabi pa nito na dapat ay pinadaan muna ang lahat ng potential superspreader events gaya ng Chinese New Year at Valentine’s Day bago ibaba ang naturang Alert level sa Pebrero 15. -sa panulat ni Airiam Sancho