Kinalampag ni Sen. Risa Hontiveros ang National Telecommunications Commission (NTC) kasunod ng nakatakdang operasyon ng ikatlong telco sa bansa na DITO Telecommunity Inc. sa ika-8 ng Marso.
Ayon kay Hontiveros, kuwesyunable ang operasyon ng DITO lalo’t hayag na sa publiko ang malaking pagkakautang nito.
Giit pa ng Senadora, dapat tingnan ang kapasidad ng nasabing kumpaniya sa aspetong pinansyal dahil dito nakasalalay kung may kakayahan ito na bigyan ng tamang serbisyo ang publiko.
National Telecommunications Commission should also look into the financial capacity of DITO to provide the services it will be offering to the public,” pahayag ni Hontiveros.
Dagdag pa ni Hontiveros, dapat mawala nang tuluyan ang mga pagdududang ito bago mag-operate ang DITO.
After all, this is standard procedure on the part of the NTC with respect to the issuance of any provisional authority or certificate of authority to operate as a telecommunications entity. Hindi lang technical audit ang dapat ginagawa, pati financial audit din,” pagbibigay-diin pa ng senadora.
Nauna nang napaulat na sa kasalukuyan, ang DITO at ang parent company nito na Udenna Group ay mayroon lamang P20 billion na equity laban sa P150 billion na utang.
Samantala, iginiit ni Hontiveros na Chinese identity ang totoong nasa likod ng DITO kung kaya banta pa rin sa pambansang seguridad ang nasabing telco.
Our compatriots who speak on DITO’s behalf before the media are really just a Filipino mask over a Chinese identity. Kaya maliban sa pagkuwestiyon sa financial capability ng Dito, ang banta nito sa pambansang seguridad natin ang dapat ding bigyang diin at linaw,” ayon pa sa senadora.