Home NATIONAL NEWS PNP, iimbestigahan ang mga tumulong upang makatakas si Sen. Bato

Sen. Bato, posibleng mabanggit sa testimonya ng mga testigo sa ICC trial ni Duterte

by DWIZ 882 November 7, 2026 0 comment
BATO DELA ROSA

Posibleng mabanggit ang pangalan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa testimonya ng ilang insider witnesses na inaasahang haharap sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. Kristina Conti, assistant to counsel sa ICC, kabilang sa mga insider witnesses ang mga dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS) at Philippine National Police (PNP) na maaaring maglahad ng kanilang nalalaman tungkol sa mga pangyayaring may kaugnayan sa kaso.

Gayunman, nilinaw ni Conti na hindi pa si Dela Rosa ang pangunahing paksa ng kasalukuyang paglilitis at maaari lamang siyang mabanggit sa konteksto ng mga testimonya. May sarili rin nakabinbing kaso ang senador sa ICC.

Dagdag pa niya, kung maaaresto si dela Rosa, sasailalim ito sa hiwalay na proseso sa ICC, kabilang ang initial appearance at paglalahad ng mga kasong kinakaharap bago magsimula ang paglilitis.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment