Tiniyak ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi na kailangang ibalik ng House of Representatives ang bersyon nito ng 2027 General Appropriations Bill.
Ito’y matapos ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang 2024, 2025, at ilang bahagi ng 2026 national budget.
Ayon kay Senate President Gatchalian, maaaring Senado na ang gumawa ng mga pagtatama batay sa itinakdang pamantayan ng Korte Suprema sa paggamit ng unprogrammed appropriations upang maiwasan ang pagkaantala sa budget process.
Iginiit din ni Senador Panfilo Lacson na hindi solusyon ang pagbawi sa 2027 GAB. Sa halip, ay kailangang masuri ito ng Senado.
Samantala, tiniyak ni Senador Gatchalian na tatalima sila sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman nang hindi isinasantabi ang motion for reconsideration na ihahain ng Office of the Solicitor General upang matiyak na hindi lalabag sa Konstitusyon ang 2027 national budget.
Kaugnay nito, tiniyak din ng Pangulo ng Senado na hindi magiging “election budget” ang 2027 national budget. | Sa panulat ni Reianne Antiquina

