Home NATIONAL NEWS VP Sara, posibleng maharap sa kasong plunder at malversation

5 katao, nasawi sa sunog sa Sorsogon City Public Market

by DWIZ 882 October 25, 2026 0 comment
SORSOGON PUBLIC MARKET

Limang katao ang kumpirmadong nasawi matapos masunog ang Sorsogon City Public Market, kagabi.

Batay sa paunang ulat ng otoridad, nagsimula ang apoy bandang 10 P.M. at agarang kumalat hanggang sa umabot sa second alarm.

Idineklara namang fire out ang lugar kaninang 2 A.M., habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng matinding apoy.

Samantala, patuloy ding inaalam ng otoridad ang pagkakakilanlan ng limang biktima na namatay sa insidente.

Sa ngayon, pansamantalang nagtayo ng temporary public market ang Sorsogon local government para makatulong sa kabuhayan ng mga apektadong manggagawa sa nasabing palengke. | Sa panulat ni Terence Molave

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment