Home NEWS

NEWS

alan cayetano

Ibinunyag ni senador Erwin Tulfo na hinaharang ni Sen. Alan Peter Cayetano ang paglipat ng dalawang mambabatas patungo sa grupo ng bagong mayorya.

Ito ay matapos na may dalawang senador na lumapit kay Sen. Tulfo at nagpahayag ng kagustuhang makipagtulungan at mag-trabaho sa grupo ni acting Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian.

Ayon kay Sen. Tulfo, kabilang sa mga posibleng lumipat si Sen. Joel Villanueva na nakatakdang dumalo sa special session ngayong araw, June 17, habang patuloy din ang pakikipag-usap sa dalawa pang senador.

Samantala, inaasahang malalaman na ngayong araw kung may opisyal na lilipat sa hanay ng grupo ni acting SP Gatchalian, kasabay ng patuloy na diskusyon sa loob ng senado hinggil sa magiging pormasyon ng mayorya. – mula sa panulat ni Reabelle Medina

June 17, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LINDOL SA GLAN

Patuloy na iniimbestigahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office Sarangani ang napaulat na coastal uplift o pag-aangat ng lupa sa mga baybayin ng Glan, Sarangani kasunod ng magnitude 7.8 na lindol noong june 8.

Batay sa inspeksyon ng Sarangani bay protected seascape management office, nalantad sa hangin at araw ang malalawak na bahagi ng dalampasigan, coral reefs, at seagrass beds, partikular sa pangyan marine sanctuary.

Dahil dito, nanganganib ang yamang-dagat sa lugar at nagsimula nang mamatay ang ilang coral, seagrass beds, reef fishes, igat, at mga kabibi na naiwan sa mababaw na bahagi ng baybayin.

Nag-aalala rin ang mga residente sa posibleng epekto sa kalusugan ng mabahong amoy mula sa mga nabubulok na lamang-dagat sa apektadong lugar.

Nakatakdang magsagawa ng mas malalim na pag-aaral ang composite team ng DENR, MGB, at mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang lawak ng pinsala at mga kinakailangang hakbang para sa rehabilitasyon ng Sarangani Bay. – mula sa panulat ni Reabelle Medina

June 16, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE MALETA BOYS

Mariing sinabi ng senado na hindi nito kikilalanin ang napaulat na pagdinig ng minority bloc kaugnay ng imbestigasyon sa flood control ngayong araw, June 16.

Ayon kay acting Senate President Sherwin Gatchalian, tanging ang Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni senador Erwin Tulfo ang may opisyal na otoridad na magsagawa ng pagdinig.

Aniya, anumang imbestigasyon na isinasagawa sa labas ng naturang komite ay walang legal na katayuan at hindi kinikilala ng institusyon.

Samantala, inanunsyo naman ni dating kongresista Mike Defensor sa social media na itutuloy ang sinasabing pagdinig ng “blue ribbon committee” sa doublegem EDSA Garden Events Place ngayong alas-10 ng umaga.

Sa naturang aktibidad, inaasahang haharap ang tinaguriang 18 “maleta boys” at posibleng madagdagan pa ito ng 14 na iba pang personalidad.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang senado sa lahat ng mga witness at resource person na tumugon sa imbitasyon ng opisyal na komite. –  mula sa panulat ni Reabelle Medina

June 16, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
STUD - ATHLETE DROWN

Kasalukuyang nagtatag ang Ateneo De Manila University ng isang independent fact-finding panel, upang imbestigahan ang pagkamatay ng mga student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Ayon kay Ateneo President Father Roberto Yap, layunin nitong matiyak ang ganap na katotohanan, transparency, at katarungan kaugnay ng insidente.

Samantala, binigyang-diin ni Fr. Yap na binubuo ang panel ng mga panlabas na eksperto sa batas at teknikal na larangan at ganap na hiwalay sa administrasyon ng unibersidad.

Aniya, isusumite ang resulta at mga rekomendasyon direkta sa board of trustees, habang nakikiisa rin ang ateneo sa iba pang imbestigasyon ng mga ahensya ng gobyerno.

Gayundin, inihayag ng unibersidad na patuloy ang pagbibigay nila ng suporta sa mga naiwang pamilya, kabilang ang pag-ako sa gastusin sa biyahe ng pamilya ni Baterbonia mula Agusan Del Sur at ng pamilya ni Adili mula Nigeria, pati na rin ang pagpapauwi ng labi nito. –  mula sa panulat ni Reabelle Medina

June 16, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LINDOL SA MINDANAO

Nakiramay si Pope Leo XIV sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa katimugang Mindanao.

Sa kanyang tweet sa social media platform na X, tiniyak ng Santo Papa kanyang pagiging malapit sa mamamayang Pilipino na niyanig ng magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8.

Ipinanalangin din ni Papa Leon ang mga nasawi at nasugatan ng lindol at ang kanilang mga pamilya, maging ang mga nagdurusa dahil sa lindol.

Ginawa ni Pope Leo ang naturang pahayag makaraang bumalik siya sa Roma mula sa kanyang anim na araw na pagbisita sa España. — sa panulat ni Anjo Riñon

June 15, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SPY - ESPIYA

Pinalawig ng pamahalaan ang Insider Threat Program (ITP) nito upang panatilihing secure ang mga sensitibong impormasyon mula sa posibleng pang-eespiya ng ibang mga bansa.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines West Philippine Sea spokesman, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, bukod sa Department of National Defense at AFP, pinalawig na ang ITP sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine Coast Guard.

Inaasahan din anya na maglalabas ang gobyerno ng mga “success stories” nito, o ang mga matagumpay na anti-espionage operation ng sandatahang lakas sa mga susunod na araw.

Matatandaang isinapubliko ng National Security Council ang ITP noong Marso matapos madiskubre at ma-neutralise ang isa umanong espionage na may mga aktibidad na konektado sa China.

Nauna nang sinabi ni Trinidad na itinuon na ng AFP ang defensive strategy nito sa isang “comprehensive archipelagic defense concept,” kung saan kabilang sa mga pinoprotektahan nitong teritoryo ang 200-nautical-mile exclusive economic zone ng bansa. — sa panulat ni Anjo Riñon

June 15, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SARANGANI QUAKE GLAN SARANGANI

Nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Glan Evacuation Center sa Sarangani ngayong araw, Lunes, Hunyo 15, upang personal na suriin ang kalagayan ng mga pamilyang lumikas matapos ang magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Soccsksargen.

Kabilang ang Glan sa mga pinakamalubhang naapektuhan, na nakaranas ng pagguho ng lupa, pagkasira ng mga bahay, at pagkaantala ng mga pangunahing serbisyo. Mahigit 130 pamilya ang nananatili sa evacuation center habang nagpapatuloy ang relief at damage assessment operations.

Inaasahang makikipagpulong ang Pangulo sa mga evacuee at tatanggap ng ulat mula sa mga lokal at pambansang opisyal hinggil sa patuloy na pagtugon at rehabilitasyon sa mga apektadong komunidad.

Photo courtesy: PIA Region XII

June 15, 2026 2 comments
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SARANGANI QUAKE 7.8

Umabot na sa 6,058 aftershocks ang naitala ng PHIVOLCS hanggang Lunes ng umaga, Hunyo 15, isang linggo matapos ang magnitude 7.8 na offshore na lindol na yumanig sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa ahensya, ang mga aftershock ay may lakas na mula magnitude 1.2 hanggang 6.4.

Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon habang isinasagawa ang mga hakbang para sa kaligtasan at pagbangon ng mga apektadong komunidad.

June 15, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bam aquino

Ibinunyag ni senador Bam Aquino na malapit nang makumpleto ng Majority Bloc ni acting Senate President Sherwin Gatchalian ang kinakailangang 13 boto upang ligal na mahalal bilang bagong senate president.

Ayon kay senador Aquino, posibleng mabuo ang kanilang bilang sa oras na magsagawa ng special session ang senado ngayong buwan.

Matatandaang nagsimula ang tunggalian sa liderato ng senado nitong nakaraang linggo sa pagitan nina Acting SP Gatchalian at Senate President Alan Peter Cayetano.

Bagaman nagsagawa ng sesyon nitong June 3 na dinaluhan ni senador Francis Escudero, mula sa pag-boycott ng dating majority bloc, hindi pa rin nakapag-halal ng bagong senate president dahil 12 lamang ang miyembro ng kampo ni acting SP Gatchalian. - mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

June 10, 2026 1 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
marikina

Muling itinampok ng Marikina City ang iconic na World’s Largest Shoes matapos itong maibalik at maayos mula sa mga pinsalang dulot ng paglipas ng panahon at kalamidad.

Ayon sa lungsod, higit pa sa restoration project ang pagbuhay sa higanteng sapatos dahil simbolo rin ito ng mayamang kasaysayan ng industriya ng sapatos sa Marikina at ng katatagan ng mga Marikenyo sa harap ng mga hamon.

June 9, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest