Dapat nang ipagbawal sa mga mambabatas ang paggawa ng insertions para sa mga proyekto sa pambansang budget.
Ito ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson. Aniya, ito ang paraan upang maiwasan ang muling pag-usbong ng malawakang korapsyon sa mga proyekto ng flood control.
Binigyang-diin ni Pro Tempore Lacson na makabubuti ang pagkakasundo ng Senado at Kamara na bawal na ang mga insertions at tanging institutional amendments na lamang ang dapat payagan.
Dagdag pa ni Senador Lacson na mas makabubuti kung ituon ng mga mambabatas ang atensyon sa mga amendments gaya ng Anti-Money Laundering Council.
Iginiit pa ng senador na dapat maging mas maingat ang Department of Budget and Management sa pagbibigay ng rekomendasyon sa pangulo hinggil sa unprogrammed funds.




