Pangkalahatang naging mapayapa ang pagdiriwang ng Lunar New Year sa bansa sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Dionardo Carlos, walang sinuman ang exempted sa health protocol at gaya noong January 1 ay hindi nila pinayagan ang mga social gathering ng mga tao.
Bagaman may ilang Chinese Temple ang sumunod sa kanilang tradisyunal na rituwal tuwing bagong taon, sarado naman ang mga ito sa publiko.
Kahit hindi anya naging magarbo ang mga pagdiriwang tulad noong mga nakaraang taon, naging makabuluhan naman ang simpleng selebrasyon dahil walang naitalang “untoward incident” sa bansa.
Tiniyak naman ni Carlos na ipinagpapatuloy ng PNP ang pag-monitor sa public establishments lalo’t nasa ilalim na ng alert level 2 ang Metro Manila at pitong iba pang lugar.