Burado na ang utang sa lupa ng 189 Agrarian Reform Beneficiaries sa Zamboanga del Norte.
Ito’y makaraang bigyan sila ng Department of Agrarian Reform ng 212 certificate of condonation with release of mortgage, na nagpapalaya sa kanila mula sa pagkakautang sa amortisasyon ng lupa na aabot sa 2,890 ektarya.
Isinagawa ang pamamahagi sa “pledging session on empowering local communities” sa royal farm, gulayon, Dipolog City.
Bahagi ito ng pagpapatupad ng new agrarian emancipation act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 2023.
Itinampok din sa programa ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga lokal na sektor, na nagpapakita ng panibagong simula para sa ARBs at ng pangakong patuloy na pag-unlad sa mga kanayunan.—sa panulat ni Kat Gonzales