Tatlong lungsod sa lalawigan ng Isabela ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng COVID-19 related deaths.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Nelson Paguirigan, umabot sa 1,120 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 kung saan karamihan dito ay mula sa Santiago City, Ilagan at Cauayan City.
Muling naranasan aniya ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lugar noong Agosto at ngayong Setyembre.
Sa pinakahuling datos ay umakyat na sa 3, 821 ang active cases sa probinsya.
Maliban dito, nananatili naman sa critical o high risk ang hospital use classification sa lalawigan kung saan nasa 94.2% na ang hospital occupancy rate.—sa panulat ni Hya Ludivico