Maulap ma papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang asahan sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga region.
Habang sa nalalabing bahagi ng bansa, asahan din ang maulap na kalangitan na may isolated rainshower o thunderstorm.
Sanhi iyan ng umiiral na Intertropical Convergence Zone o ITCZ na nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Posible naman ang mga pagbaha at landslide sa mga nabanggit na lugar dahil sa umiiral na weather system.—sa panulat ni Rex Espiritu