Magsasagawa ng panibagong malawakang protesta laban sa katiwalian sa bansa sa Oktubre a-disi-siyete at a-bente-uno ang mga grupong nasa likod ng “Baha sa Luneta” rally noong Setyembre 21.
Pangungunahan ng mga kabataan ang rally at martsa sa Mendiola sa Oktubre a-disi-siyete, habang mga grupo naman ng mga magsasaka mula sa mga binabahang lugar sa bansa ang mangunguna sa protesta sa Liwasang Bonifacio sa Oktubre 21.
Ang protesta sa mga nasabing araw ay hiwalay pa sa naunang inihayag na rally na nakatakda sa Nobyembre a-trenta.
Sa inilabas na pahayag ng Kilusang Bayan, layunin ng panibagong malawakang protesta na ipanawagan at igiit ang pananagutan ng mga sangkot sa mga maanomalya at guni-guning flood control projects.
Dagdag pa ng nasabing grupo, nakipag-ugnayan na sila sa mga organizer noon pang Oktubre a-onse, at nangakong patuloy na makikipag-ugnayan hanggang sa mga susunod na araw at linggo.




