Nagbawas ng presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto at epektibo ito ngayong araw.
Aabot sa P0.35 ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel ng Petron Corp., Phoenix Petroleum at PTT Philippines habang P0.40 naman sa bawat litro ng kerosene.
Ang rollback ng Petron ay epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi habang alas-6:00 naman kanina ang bawas-presyo ng Phoenix Petroleum at PTT.
Una nang nagpatupad ng P0.40 per liter na rollback sa kanilang diesel ang Eastern Petroleum kahapon.
Ayon kay Fernando Martinez, Eastern Petroleum Chairman at Chief Executive, ang pinakahuling price adjustment ay bunsod ng mataas na supply ng langis sa pandaigdigang merkado.
By Jelbert Perdez