Patunay ang resulta ng pinakabagong tugon ng masa survey na isinagawa ng OCTA Research sa pagbabagong hatid sa buhay ng mga Pilipino ng mga repormang ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang pahayag ni House Speaker Martin Romualdez bilang reakston sa resulta ng pinakabagong tnm survey ng octa research.
Batay sa TNM survey nitong Abril 2025, bumaba sa 42% ang mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap — bumaba mula sa 50% na naitala limang buwan na ang nakalilipas.
Malaki rin ang ibinaba ng food poverty, mula 49% tungo sa 35%, na katumbas ng humigit-kumulang 3.7 milyong pamilyang hindi na nakakaramdam ng kakulangan sa pagkain.
Bagama’t nananatiling halos pareho ang hunger rate sa 13% kumpara sa nakaraang quarter, binigyang-diin ni Speaker Romualdez na halos 792,000 pamilyang Pilipino ang naiulat na hindi na nakaranas ng involuntary hunger.
Nanawagan naman ang lider ng kamaral sa mga ahensya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan at mga mambabatas na ipagpatuloy ang magandang momentum na ito upang mas gumanda pa ang pamumuhay ng bawat Pilipino.