Mapapasakamay na ng mga residente ng Makati City ang P5,000 tulong pinansyal ng city government.
Ayon kay Makati City Mayor Abigail Binay makakapag-download na sila ng P5,000 sa unang 71,000 Makatizen card holders o nasa halagang P354-M.
Maaari aniyang kumpirmahin ng qualified beneficiary na natanggap na nila ang cash assistance sa pamamagitan ng Makatizen app o sa Makati City Government Portal.
Ipinabatid ni Binay na batid na nila kung sino ang kuwalipikadong makatanggap ng cash aid na nasa 18 years old pataas base na rin sa kanilang hawak na database at naglaan sila ng halos P3-B para rito.