Wala pang katiyakan kung ang komiteng pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson ang mag-iimbestiga sa mga isiniwalat ni retired SPO3 Arthur Lascañas.
Sinabi ni Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na nai-refer sa kanyang komite na imbestigahan ang expose ni Lascañas.
Pero, maaari aniyang may maghain ng motion for reconsideration sa nangyaring referral at ipalipat ito sa ibang komite.
Idinagdag ni Lacson na sa oras na igiit na sa Justice Committee ito i-refer dahil ito ang nag-imbestiga noon kay Edgar Matobato, nangangahulugan na hindi na ito iimbestigahan bunsod ng paninindigan ni Senador Richard Gordon na hindi na dapat muling mag-testify ang bumaligtad na testigo dahil pambabastos ito sa Senado.
Inamin din ni Lacson na nag-aalangan siyang hawakan ito bilang respeto kay Gordon dahil ito ang nag-imbestiga at gumawa ng committee report ukol sa Davao Death Squad.
By Meann Tanbio | Report from Cely Bueno (Patrol 19)