Hindi nagpatinag ang Chinese Embassy sa umano’y panawagan ng ilang senador at miyembro ng Kamara na ideklarang persona non grata si Chinese ambassador to the Philippines Jing Quan sa halip na puro pahayag lamang.
Sa isang pahayag, kinuwestiyon ng embahada kung maituturing na banta o pamimilit ang panukalang ito, bago hamunin ang mga mambabatas na isakatuparan na lamang ito kung seryoso sila.
“Just do it. Otherwise, stop bluffing,” saad ng Chinese Embassy.
Matatandaang nanawagan si Senador Risa Hontiveros na ideklarang persona non grata ang Chinese ambassador kung hindi magbibigay ng pormal na paghingi ng tawad ang Beijing.

