Aabot sa P13.6 million na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa dalawang drug suspects sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City.
Kinilala ang mga suspek na sina Melanie Capin, 35 taong gulang, at Jeffrey Sadiasa, 31 taong gulang.
Agad na dinakip sina Capin at Sadiasa nang bentahan ng umano’y shabu ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sunshine Mall sa FTI.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga suspek.