70 porsyento ng mamamayan sa walong bansa sa Asya ang malalagay sa panganib dahil sa patuloy na pagbagsak ng lupa at pagtaas ng karagatan.
Batay ito sa pag aaral ng Climate Central, isang science organization sa New Jersey na inilathala ng Journal Nature Communications.
Ang tinutukoy na mga bansa sa Asya ay ang Pilipinas, China, Bangladesh, India, Vietnam, Indonesia, Thailand at Japan.
Nagbabala ang grupo na maaaring maglaho ang lahat ng coastal cities kung hindi magtatatag ng depensa ang pamahalaan ng mga naturang mga bansa.
Lumabas sa pag aaral na sa ngayon, nasa 150 milyon katao ang naninirahan sa mga lupain na posibleng nasa high tide line na pagsapit ng kalagitnaan ng siglong ito.