Naka-display na sa National Library of the Philippines (NLP) ang orihinal na manuscript ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ng pambansang bayaning si Dr. Jose rizal.
Bilang parte ito ng ika-135 anibersaryo ng NLP.
Bukod sa dalawang makasaysayang nobela ni Rizal, marami pang historical documents at mga libro ang naka-display sa espesyal na exhibit sa NLP.
Kabilang dito ang De Molucis Insulis, unang libro na isinulat tungkol sa Pilipinas pagkatapos dumating ni Ferdinand Magellan;
Acta De La Proclamacion De Independencia Del Pueblo Filipino o Act of the Declaration of Philippine Independence;
Libreng makikita ang mga makaysayang aklat at dokumento hanggang katapusan ng Agosto.