Lalo pang humuhusay ang network performance ng isang telco o telecommunications company dahil sa agresibong pag-upgrade sa network capabilities nito.
Sinasabing tuloy-tuloy ang quarterly improvements ng Globe mobile network sa average download at upload speeds, consistency score, at speed score.
Batay sa Q4 2021 data ng Ookla®, ang Globe ay nagtala ng 51% improvement sa download speeds at 24% sa upload speeds, kumpara sa Q1 2021 performance nito.
Nabatid na tumaas din ang consistency score ng Globe, kung saan nagposte ito ng malaking improvements mula 70.59 sa Q1 2021 sa 78.82 sa Q4 2021, kapantay ng global benchmarks.
Sa Speed Score™, ang Globe ay nakapagtala rin ng malaking pagtaas mula 12.27 sa Q1 2021 sa 18.51 sa Q4 2021. Matagumpay na nagpamalas ang Globe ng ‘consistent improvements’ kapwa sa consistency at Speed Scores ™ quarter-on-quarter.
“Our network performance in the latest Ookla report further solidifies the impact of our commitment to #1stWorldNetwork for the country. As we continue to widen the reach of our infrastructure, we also adopt and apply more advanced technologies to make sure we deliver top-notch service for our customers. Having a better network also supports customer experience in using our various digital solutions under the Globe Group,” wika ni Ernest Cu, Globe President and CEO.
Mahigpit ding sumusuporta ang Globe sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular sa UN SDG No. 9, na nagbibigay-diin sa papel na ginagampanan ng imprastruktura at inobasyon bilang krusyal na tagapagsulong ng economic growth at development. Nakahanda itong pagtibayin ang UN Global Compact principles at mag-ambag sa 10 UN SDGs.