Hinimok ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, na harapin ang mga alegasyon sa International Criminal Court kaugnay sa ipinatupad na kampaniya kontra iligal na droga noong siya pa ang hepe ng Philippine National Police o PNP sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ginawa ang paghimok kasunod narin ito ng mga patutsada ng senador sa administrasyong Marcos.
Una nang humingi ng proteksiyon sa Senado si Senador Dela Rosa sakaling ipag-utos ng ICC ang pag-aresto sakaniya.
Sinabi ni Cong. Khonghun, na bilang opisyal ng gobyerno si Dela rosa, tungkulin nito na harapin ang mga inihaing kaso laban sa kaniya.
Matatandaang nanawagan rin ang Makabayan Bloc sa marcos administration na makipag-ugnayan sa ICC at sundin ang obligasyon ng bansa sa Interpol tungo sa pagkamit ng hustisya at pananagutan. —sa panulat ni John Riz Calata mula kay Geli Mendez (Patrol 30)