Hindi pa nakakabalik ng Pilipinas si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Ito’y ayon sa immigration and travel records ng Bureau of Immigration kasunod ng inilabas na Immigration Lookout Bulletin Order para sa dating mambabatas dahil sa kanyang pagkakadawit sa mga maanomalyang flood control projects at insertions sa 2025 budget.
Ayon kay BI Deputy Spokesman Melvin Mabulac, wala pa sa bansa si Co, habang tinitingnan din nila kung sino pa sa bagong listahan ng mga may ILBO ang nasa Pilipinas.
Nilinaw rin ni Mabulac na para lamang sa monitoring ng biyahe ng isang indibidwal ang ILBO, at iba pa ito sa hold departure order na inilalabas ng korte.




