Pinag-aaralan ng Senado na tapyasan ang budget ng Department of Public Works and Highways para sa infrastructure projects na mapag-aalamang overpriced.
Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian, napag-usapan nila ang haka-haka ni Senador Loren Legarda na posibleng bago pa isinumite ang budget ng DPWH ay overpriced na ang ilan sa mga nilalaman nito.
Kaya kapag naaprubahan ito, sinabi ni Sen. Gatchalian na magpapatuloy pa rin ang ligaya ng mga tiwaling opisyal at kawani ng DPWH hanggang sa susunod na taon.
Una nang inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure na bawasan ng kalahati ang halaga ng kontrata ng DPWH para sa mga public works.




