Home NEWS

NEWS

MARCY TEODORO MARIKINA

Inihain ni Marikina Rep. Marcelino Teodoro ang House Bill 10461 o Electricity Consumer System Loss Relief Bill na naglalayong alisin ang system loss sa mga singil sa kuryente at ipagbawal ang paniningil ng 12% value-added tax o VAT sa mga hindi naihahatid na kuryente.

Sa ilalim ng panukala, aamyendahan ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA at ang National Internal Revenue Code upang matiyak na ang babayaran lamang ng mga consumer ay ang aktuwal na kuryenteng kanilang nagamit.

Para kay Teodoro, hindi makatuwirang ipasa sa mga consumer ang system loss na hindi naman nila nakonsumo, at lalo hindi makatao na patawan pa sila ng VAT.

Giit ng mambabatas, panahon nang protektahan ang mga consumer laban sa hindi makatarungang singil habang isinusulong ang modernisasyon ng power distribution system sa bansa.

Ang panukala ni Teodoro ang pinakahuling hakbang sa Kamara upang alisin ang system loss sa electricity bills kung saan, una nang naghain ng kaparehong panukala sina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos, kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA 2026. | mula sa panulat ni Geli Mendez

August 4, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
OVP CONFIDENTIAL FUND

Binigyang-diin ng House Prosecution Panel na hindi ang tiyempo ng paglabas ng confidential funds ang pangunahing isyu sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kundi kung posible bang magastos ang P125 million pondo sa loob lamang ng labing-isang araw.

Matatandaang pinatotohanan ni dating state auditor ng COA-ICFAO na si Roderick Wamil na ang unang P125 million na confidential funds ng Office of the Vice President ay nagastos mula December 21 hanggang 31, 2022, kahit nakalaan ito para sa buong ikaapat na quarter ng taon.

Ayon kay Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr., ang mahalagang tanong ay kung makatotohanan at naaayon ba sa mga alituntunin ang paggastos ng naturang halaga sa loob ng naturang panahon.

Dagdag pa ni Tolosa, tungkulin ng OVP na ipaliwanag kung paano ginamit ang pondo at patunayang ito ay ginastos sa mga layuning pinahihintulutan ng umiiral na Joint Circular.

Dapat aniyang alalahanin na sa loob ng covered period ay may mga holiday gaya ng Pasko at Bagong Taon.

Para naman kay Trial Spokesperson Renee Co, ikinagulat ng publiko ang bilis ng paggastos sa pondo, at iginiit na bukod dito ay may iba pang isyung inilarawan sa paglilitis bilang “physical impossibility.” – mula sa panulat ni Geli Mendez

August 4, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
romualdez

Handa si dating House Speaker at ngayo’y Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez na harapin ang paunang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Congressman Romualdez, sasagutin niya ang lahat ng alegasyon laban sa kanya kasabay ng paggigiit na dapat patas at naaayon sa due process ang imbestigasyon.

Samantala, kinuwestyon din ng dating House Speaker ang patuloy na paggamit ng Ombudsman sa mga testigong nahaharap  na sa mga kasong cyberlibel at perjury kaugnay sa imbestigasyon sa flood control scandal.

Iginiit ng mambabatas na hindi makatarungan ang paggamit sa labing-walong maleta boys bilang testigo dahil na-discredit na anya ang mga ito sa publiko at nasampahan pa ng kaso ng Department of Justice noong nakaraang linggo. l mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

August 3, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
baril

Nakumpiska ang isang caliber thirty-eight revolver mula sa isang estudyante sa isinagawang routine inspection sa Pulang Bato Elementary School sa Biliran, Leyte.

Ibinigay ang estudyante sa kanyang mga magulang upang sumailalim sa diversion proceedings alinsunod sa Juvenile Justice and Welfare Act matapos ang isinagawang interbensiyon ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Almeria.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung paano nakuha ng menor de edad ang baril.

Isinailalim naman sa kustodiya ang isa pang estudyante matapos mahuling nagpupuslit ng baril sa isang paaralan sa Isabela City, Basilan.

Nagsagawa ng safety protocols ang mga otoridad matapos magbanta umano ang kinse anyos na nakatatandang kapatid ng nahuling estudyante sa principal at mga guro ng paaralan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, iniulat ng rehistradong may-ari ng baril na ito ay ninakaw matapos niyang iwan ang kanyang sasakyan sa isang car wash station.  l mula sa panulat ni Reianne Antiquina

July 31, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
manifestation

Tatalakayin pa ng senado sa darating na Miyerkules ang hirit nina Senators Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada na makalahok sa Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senador Erwin Tulfo, wala siyang nakikitang dahilan kung bakit hindi papayagang makalahok sa paglilitis ang mga kapwa senador dahil hindi pa naman napatutunayang may kasalanan ang mga ito.

Gayunman, nilinaw ng mambabatas na desisyon pa rin ng korte ang kung padadaluhin ang dalawang senador.

Binigyang-diin ni Senador Tulfo na kailangang magkaroon ng pagkakaisa ang mayorya at minorya ng senado bago magpasya sa usapin.   l mula sa panulat ni Reianne Antiquina

 

July 31, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
shabufr

Arestado ang isang High-Value Individual (HVI) na kinikilalang alyas “Riyo,” matapos makumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang ₱3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Cagayan de Oro City noong gabi ng Hulyo 27, 2026.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) Team 2, katuwang ang Police Station 2 ng Cagayan de Oro City Police Office, Regional Anti-Illegal Drugs Unit 10, City Mobile Force Company, Philippine Drug Enforcement Group Special Operations Unit 10, at Regional Intelligence Unit 10.

Bukod sa pagkakaaresto ng suspek, nakatakas naman ang isa pa nitong kasamahan na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang matukoy ang pinagmulan ng mga nakumpiskang ilegal na droga at matunton ang iba pang posibleng sangkot sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot sa lugar.

July 30, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bir

Nagsampa na ang Bureau of Internal Revenue ng tatlong kasong kriminal sa Department of Justice laban sa ilang kumpanyang may kaugnayan sa POGO o Philippine Offshore Gaming Operators dahil sa mahigit 416 million pesos tax evasion.

Kabilang sa mga kinasuhan ang Zun Yuan Technology Incorporated at mga opisyal nito kaugnay ng hindi pagbabayad ng nasa mahigit apatnaraang milyong pisong buwis.

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, natuklasan sa imbestigasyon na hindi idineklara ng naturang kumpanya ang malaking bahagi ng kita nito mula sa offshore gaming operations, na nagresulta sa kakulangan sa pagbabayad ng income tax, value-added tax, at withholding taxes.

Kinasuhan na din ng ahensya ang AEP Construction at mga opisyal nito dahil sa mahigit anim na milyong pisong hindi nabayarang buwis, gayundin ang dalawang vat-registered real estate sellers dahil sa umano’y 7.31 million pesos tax deficiency. l mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

July 30, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
complaint

Naghain ng ethics complaint ang mga grupong Every Woman at Tindig Pilipinas laban kay Senador Pia Cayetano kaugnay ng “Spliced” video ni House Prosecutor Chel Diokno hinggil sa financial records ni Vice President Sara Duterte.

Naniniwala ang Tindig Pilipinas na dapat imbestigahan at patawan ng disciplinary sanctions si Senador Cayetano dahil sa paglabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability.

Dagdag pa ni Joanna Caumerman ng Every Woman, hindi angkop ang naging aksyon ng mambabatas lalo’t tumatayo ito bilang senator-judge ng impeachment court.  l mula sa panulat ni Reianne Antiquina

July 30, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
vp

Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang kumakalat na balitang palalayain na sa susunod na linggo ang kanyang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay VP Sara, nananatili ang dating pangulo sa kustodiya ng International Criminal Court sa The Hague, The Netherlands.

Samantala, nakatakdang simulan ang paglilitis kay Dating Pangulong Duterte sa Nobyembre a-trenta para sa kasong Crimes Against Humanity.  l mula sa panulat ni Reianne Antiquina

July 30, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
nueva

Arestado ang isang Grade 12 student ng San Felipe Integrated School sa Llanera, Nueva Ecija matapos umano itong mag-post ng bomb threat sa kaniyang Facebook account noong umaga ng Hulyo 27, 2026.

Kasalukuyang nakapiit ang estudyante sa Llanera Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o Malicious Dissemination of False Information kaugnay ng Republic Act No. 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa imbestigasyon, inamin ng estudyante na biro lamang ang naturang post at ginawa niya ito sa layuning makansela ang klase.

Ayon kay PCOL Ritchie R. Claravall, Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, agad namang umaksyon ang Llanera Municipal Police Station  matapos makatanggap ng ulat hinggil sa social media post na may kaugnayan sa umano’y banta ng pagpapasabog upang masiguro ang kaligtasan.  | mula sa panulat ni LJ Torrefiel

July 29, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest