Home NEWS

NEWS

DOH

Handa si Health Secretary Jose “Brix” Pujalte Jr. na sagutin sa tamang proseso ang anumang reklamong ihahain laban sa kaniya.

Kasunod ito ng reklamong inihain sa Office of the Ombudsman ng grupong Concerned Health Advocates for the Prevention and Control of Tuberculosis, kahapon, August 5.

Hiniling ng grupo ang suspensyon laban kay Secretary Pujalte dahil sa pagkaantala anila ng procurement process sa mga gamot laban sa tuberculosis.

Nilinaw ni Secretary Pujalte na wala pang natatanggap ang kaniyang opisina na opisyal na kopya ng reklamo, pero handa anya silang tumugon kung kinakailangan. l mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

August 6, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bonoan

Iginiit ng isang public interest at human rights lawyer na wala nang kredibilidad si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at ang tinaguriang “Maleta Boys” para magsilbing state witnesses sa imbestigasyon ng flood control scandal.

Ayon kay Atty. Antonio Zoleta Bucoy, batay sa testimonya ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, na isang state witness ng Ombudsman, tumanggap si Bonoan ng 15-percent kickback mula sa mga flood control project, na umaabot sa 3-billion pesos sa loob ng apat na taon.

Ipinunto ni Atty. Bucoy na si Bonoan ang pangunahing namahala sa pagbuo ng budget ng DPWH, pagpapatupad ng mga proyekto, paggawad ng kontrata sa mga contractor at pagpapalabas ng pondo, kaya’t hindi anya ito maaaring ituring na state witness.

Samantala, nanindigan si Atty. Bucoy na wala na ring kredibilidad ang mga tinatawag na “Maleta Boys,” na nagpakilalang mga dating bodyguards ni dating Congressman Zaldy Co.

Iginiit ng abogado na ang mga salaysay ng mga Maleta Boys ay kinuwestyon at ibinasura na ng Office of the Ombudsman, gayundin ng Senate Blue Ribbon Committee at National Bureau of Investigation dahil sa magkakasalungat na pahayag at isinumiteng ebidensya.  l mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

August 5, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
senate impeachment court

Ipina-subpoena na ng Senate Impeachment Court si Commission on Audit Auditor Celine May Del Campo para tumestigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Inaasahang haharap si Del Campo sa Impeachment Court ngayong araw o sa mga susunod na paglilitis upang ipagpatuloy ang paglalahad ng mga audit findings kaugnay ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.

Ayon kay Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero, pagdedesisyunan pa ng korte kung maglalabas din ng panibagong subpoena para kay House Legislative Information Resources Management Department Director Marivic Pareja.

Nakadepende anya ito sa magiging pasya ng korte sa mosyon ng House prosecution na kilalanin sa pamamagitan ng judicial notice ang mga pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Justice.

Samantala, kinumpirma ni Lead House Prosecutor Gerville Luistro na magsusumite ang prosekusyon ng panibagong listahan ng mga testigo at mga kahilingan para sa subpoena ngayong araw.  l mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

August 5, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
alex eala

Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution No. 1286 bilang pagbati at pagkilala sa karangalang naiuwi ni Filipina tennis star Alex Eala matapos nitong masungkit ang kanyang kauna-unahang Women’s Tennis Association o WTA singles title.

Nagkaisa ang mga mambabatas na kilalanin ang makasaysayang tagumpay ni Eala sa 2026 Mubadala DC Open sa Estados Unidos, kung saan tinalo niya ang World No. 3 at tournament top seed na si Jessica Pegula.

Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, karangalan para sa buong bansa ang naging tagumpay ni Eala dahil ipinakita nito sa buong mundo ang galing, katatagan at determinasyon ng mga Pilipino.

Aniya, ang pag-angat ni Eala sa pandaigdigang tennis rankings ay bunga ng kanyang sipag at tiyaga sa larangan ng tennis.

Dahil sa ipinamalas na galing, naging kauna-unahang Pilipino si Alex Eala na nakapasok sa Top 20 ng Women’s Tennis Association o WTA singles rankings. | mula sa panulat ni Geli Mendez

August 5, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GOVERNMENT WORKERS

Sinimulan na ng House Committee on Ways and Means ang pagtalakay sa mga panukalang batas na naglalayong itaas ang halaga ng taunang suweldo na hindi na papatawan ng income tax.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairperson at Marikina Rep. Miro Quimbo, ito’y bilang suporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA na itaas sa P350,000 ang tax-exemption ng annual taxable income.

Sinabi ni Quimbo na batay sa datos ng Labor Force Survey, tinatayang 4.2 million manggagawang Pilipino ang direktang makikinabang sa panukala dahil hindi na sila papatawan ng buwis sa kanilang suweldo sa ilalim ng bagong threshold.

Binigyang-diin ng mambabatas na nararapat lamang na mapagaan ang pasanin ng mga lower at middle-income workers na patuloy na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Aniya, ang mga manggagawang ito ang sandigan ng ating ekonomiya dahil sa tapat na pagbabayad ng buwis mula sa kanilang kinikita, ngunit madalas ay hindi sila ang pangunahing nakikinabang sa mga umiiral na programa at polisiya ng pamahalaan. | mula sa panulat ni Geli Mendez

August 5, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JEEP

Magsusumite ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng rekomendasyon sa Department of Transportation para sa pansamantalang dagdag-pasahe sa lahat ng public utility vehicles habang nagpapatuloy ang pagdinig sa mga petisyon para sa fare hike.

Ayon kay L.T.F.R.B. Chairman Vigor Mendoza, kasalukuyang bine-verify ng ahensya ang datos na iniharap ng mga transport group para matukoy ang nararapat na provisional fare increase batay sa bilang ng mga pasahero at aktuwal na kita ng mga driver.

Isinumite na rin aniya ng L.T.F.R.B. sa Malacañang ang panukalang 20-pesos kada litrong fuel subsidy para sa lahat ng mga P.U.V. sa loob ng isang buwan, na mangangailangan ng nasa 4.5 billion pesos na pondo.

Nilinaw din ni Chairman Mendoza na pitong porsyento na lamang ng kasalukuyang pondo para sa 10-pesos kada litrong fuel subsidy ang natitira at inaasahang tatagal lamang hanggang Agosto a-kinse, kaya inaasahan ang agarang desisyon ng pamahalaan ngayong linggo. | mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

August 4, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BONOAN

Tinanggihan ng Sandiganbayan Second Division ang mosyon ng Office of the Ombudsman na alisin si dating Public Works Secretary Manuel “Manny” Bonoan bilang akusado sa kasong graft kaugnay ng umano’y 573 million pesos kickback sa mga flood control project ng pamahalaan.

Sa inilabas na resolusyon, iginiit ng Sandiganbayan na walang sapat na batayan upang aprubahan ang Motion for Leave to File Amended Information na inihain ng prosekusyon.

Nilinaw ng graft court na ang pagtanggal kay Bonoan bilang akusado ay maaaring makaapekto sa depensa ng kapwa akusadong si Senador Jinggoy Estrada, dahil mahalagang maipakita ang partisipasyon ng bawat isa sa paglalahad ng ebidensya.

Iginiit ng Sandiganbayan na ang pananatili ni Bonoan bilang akusado ay hindi otomatikong nangangahulugang hindi na siya maaaring magsilbing testigo ng prosekusyon, basta’t matutugunan ang mga itinakdang requirements para sa pagiging state witness sa ilalim ng batas.

Matatandaang nais ng Ombudsman na matanggal si Bonoan sa kaso upang maging state witness laban sa iba pang mga inaakusahan sa flood control scandal. | mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

August 4, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
kuryente

Iginiit ni dating Energy Secretary Jericho Petilla na may kapangyarihan ang Energy Regulatory Commission na alisin ang system loss charge sa electric bill kahit hindi na amyendahan ang EPIRA Law o Electric Power Industry Reform Act of 2001.

Ayon kay dating Energy Secretary Petilla, ang E.R.C. ang nagtatakda ng pinapayagang threshold ng system loss na maaaring ipasa sa mga consumer, na kasalukuyang 8.5-percent para sa Meralco at 13-percent para sa mga electric cooperative.

Samantala, sinabi ni House Committee on Energy Chairman at Palawan Rep. Jose Alvarez na hindi lamang ang non-technical system loss ang maaaring alisin, kundi maging ang technical system loss sa mga susunod na taon.

Gayunman, nagbabala ang B.A. Securities Inc. na kahit alisin ang “system loss” bilang hiwalay na line item sa electric bill, maaari pa rin itong maipasa sa mga consumer sa pamamagitan ng distribution, supply at metering charges.

Ipinaliwanag din ng brokerage firm na mahirap tuluyang ipagbawal ang system loss dahil may hindi maiiwasang pagkawala ng kuryente habang dumadaloy ito sa mga linya at transformer, at maaari ring humantong sa usaping legal ang ganap na pagbabawal sa naturang pass-through charges. | mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

August 4, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
POOR PAMILYA family

Inihayag ni House Speaker Faustino Dy III na ang participatory governance model ng Isabela ang nagsilbing inspirasyon sa paglulunsad ng pambansang programang LegisHear ng Kamara.

Ayon kay Speaker Dy, bilang isang dating gobernador ng Isabela napatunayan niya na mas nagiging epektibo ang pamamahala kapag direktang napakikinggan ang boses ng mamamayan.

Ibinahagi niya na ang matagumpay na Farmers’ Congress sa lalawigan, kung saan regular na nililibot ng mga opisyal ang 36 na bayan at mga barangay upang pakinggan ang mga magsasaka at komunidad, na nagpakita sa kaniya kung gaano kahalaga ang grassroots engagement.

Ayon kay Dy, dahil sa positibong resulta ng programa, minabuti ng pamunuan ng Kamara na gawing pormal at regular na mekanismo ang pagsasagawa ng mga pambansang konsultasyon.

Binigyang-diin pa ng lider ng Kamara na layunin ng LegisHear na matiyak na ang mga batas na binabalangkas at ipinapasa ng Kongreso ay nakabatay sa tunay na pangangailangan ng mamamayan at makatutulong sa pag-angat ng kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino. | mula sa panulat ni Geli Mendez

August 4, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VP SARA IMPEACHMENT

Tanging si Vice President Sara Duterte lamang ang nag-iisang bise presidente at kalihim ng Department of Education na nagkaroon ng confidential funds.

Ito ang isiniwalat ni dating Commission on Audit Intelligence and Confidential Funds Audit Office State Auditor Roderick Wamil sa paglilitis ng Senate Impeachment Court kahapon.

Dagdag pa ni Wamil, sa kanyang panunungkulan sa ICFAO mula Setyembre 2014 hanggang Pebrero 2024, nakapagsagawa ng operasyon sina dating Bise Presidente Jejomar Binay at Leni Robredo nang walang confidential funds.

Anya, si V.P. Sara rin ang kauna-unahang DepEd secretary na nagkaroon ng confidential funds at iginiit na walang ganitong pondo ang mga naunang kalihim na sina Armin Luistro at Leonor Briones.

Batay sa ulat, umabot sa limangdaang milyong piso ang confidential funds ng Office of the Vice President mula sa ika-apat na quarter ng 2022 hanggang ikatlong quarter ng 2023, habang mahigit isandaan labindalawang milyong piso naman ang confidential funds ng DepEd sa unang tatlong quarters ng 2023. | mula sa panulat ni Reianne Antiquina

August 4, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest