Home NEWS

NEWS

DEPED FAJARDA

Hindi na ihaharap bilang witness stand ng House prosecution team si dating DepEd Special Disbursing Officer Edward Fajarda.

Ito ang kinumpirma ni Private Prosecutor Atty. Reynaldo Robles sa Senate Impeachment Court na ang kanilang pag-withdraw ay bilang konsiderasyon ng prosecution sa medical condition ni Fajarda.

Matatandaang sa liham na ipinadala ni Fajarda sa prosecution, hiniling niya na palawigin ng 30 days ang kaniyang pagpapahinga, batay na rin sa desisyon ng kaniyang personal doctor matapos ma-stroke.

Ayon kay Robles, ibabatay na lamang ng prosecution sa naging stipulation ang mga naging testimonya ni Fajarda sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

Bukas, nakatakdang isalang ang tatlo pang natitirang testigo ngayong linggo, kabilang na si Police Major Jovelyn Magay; Commission on Audit o COA employee Bresildo Sabaldan; at DepEd Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda.

Nilinaw naman ni House Lead Prosecutor Gerville Luistro na bukod kay Fajarda, hindi na rin ihaharap ng prosecution sa witness stand si dating OVP Security Officer Col. Raymund Lachica dahil sapat na ang mga naipresintang ebidensya at testimonya sa impeachment trial kaugnay sa Article 1 na tumutukoy sa maling paggamit ng confidential funds ni VP Sara. | mula sa panulat ni Geli Mendez

September 7, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CAMPUS JOURNALISM LIPA CITY BATANGAS

Isinagawa sa Pinagkawitan Elementary School sa Lipa City, Batangas ang 2026 Division Schools Press Conference, sa pangunguna ng DepEd Lipa sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Homer Mendoza.

Dumalo rin si Mayor Eric Africa upang magpaabot ng suporta at hikayatin ang mga kabataang mamamahayag mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.ERIC AFRICA LIPA CITY

Tampok sa kompetisyon ang iba’t ibang larangan ng pamamahayag, kabilang ang news, editorial, feature, sports, photojournalism, broadcasting, at online publishing.

Layunin ng aktibidad na malinang ang talento at kasanayan ng mga mag-aaral bilang paghahanda sa Regional Schools Press Conference, habang isinusulong ang integridad, katapatan, at pananagutan sa campus journalism. | mula sa panulat ni Angelo Baino

September 4, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CLASSROOM - KLASE

Aabot sa 7.78-billion pesos ang kailangan ng Department of Education para sa rehabilitasyon ng mahigit dalawang libong paaralang napinsala ng habagat at mga bagyo.

Sa datos ng Department of Education, nasa 11,167 na silid-aralan ang apektado sa buong bansa, kung saan 6,530 ang may kaunting pinsala, 2,389 ang may malaking pinsala at 2,248 ang nasira.

Ilalaan ang 5.62-billion pesos sa reconstruction ng halos limandaang lubos na napinsalang school sites, kabilang ang mahigit animnaraang paaralan sa Central Luzon.

Kailangan ng nasabing rehiyon ang 19.4-million pesos para sa paglilinis, 111.4-million pesos para sa minor repairs, habang 402.5-million pesos para sa major repairs at 2.37-billion pesos para sa reconstruction. | mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

September 4, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
090624 students

Ipinatupad ang alternative learning modes at iba pang learning continuity measures sa ilang mga paaralan sa bansa at labinlima pang probinsya ngayong araw, September 4, bunsod ng habagat at haze mula sa matinding forest at peatland fires sa Indonesia.

Kabilang sa mga sakop ang National Capital Region, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas at Occidental Mindoro.

Mananatili ang mga alternative learning arrangements maliban kung maglabas ng sariling class suspension order ang local chief executives.

Samantala, maaari ring magpatupad ng localized cancellation o suspension ng klase sa ibang lugar ang kanilang mga local chief executives, depende sa lokal na sitwasyon.

Payo sa mga paaralan, mag-aaral at magulang na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng kanilang lokal na pamahalaan. | mula sa panulat ni Reabelle Medina

September 4, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
WILD LIFE NAILIGTAS SA DAVAO

29 na wildlife ang nasagip sa magkakahiwalay na operasyon laban sa illegal na kalakalan ng hayop sa Davao Region mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Ayon sa DENR-Davao Region, tinatayang nasa 71,350 pesos ang kabuuang halaga ng mga nasabing hayop.

Kabilang sa mga nasagip ang dalawang reticulated python, tatlong ball python, isang Madagascar ground boa, isang corn snake, apat na cockatiel, anim na African lovebirds, sampung parakeets, at dalawang African o sulcata o spurred tortoise.

Isinagawa ang mga operasyon ng DENR-CENRO Panabo sa koordinasyon ng PNP Maritime Group-Panabo.

Matapos ang pagkakasagip, inilipat ang mga hayop sa DENR Wildlife Facility o Wildlife Rescue Center sa Tagum City, Davao del Norte para sa kanilang pangangalaga.

Samantala, nagsampa na ng mga kasong kriminal laban sa mga suspek dahil sa paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act. | mula sa panulat ni Reabelle Medina

September 4, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bonoan

Pinagbigyan ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ng Ombudsman na alisin si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan bilang akusado sa kasong kaugnay sa flood control scandal.

Ayon sa Ombudsman, layon nitong gawing state witness si Bonoan tungkol sa isyu.

Samantala, inilahad ni Bonoan sa Sandiganbayan Fourth Division, bilang testigo sa kaso ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na hinimok siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsumite ng courtesy resignation dahil sa nasabing usapin.

Matatandaang kasama si Bonoan sa mga inakusahan tungkol sa umano’y 573-million-peso na halaga ng kickback kaugnay ng flood control scandal.

Dahil naman sa pagkakatanggal ng dating kalihim bilang akusado, inaasahan ng prosecution team sa naturang kaso na maghahain din ng motion for reconsideration ang mga kapwa-akusado nito, tulad nina Senador Jinggoy Estrada, at mga opisyal ng DPWH na sina Manny Bulusan, Arturo Gonzales Jr., at Denryl Caesar Fortuna. | mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

 

September 2, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HAZE NCR FROM KALIMANTAN INDONESIA

Lumala ang air quality sa ilang bahagi ng Iloilo City dahil sa transboundary haze mula sa mga sunog sa Kalimantan, Indonesia.

Ayon sa Iloilo City Operations Center, dinadala ng habagat ang particulate matter mula Indonesia patungo sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ibinabala ng mga otoridad na maaaring magdulot ang hindi magandang air quality ng ubo, iritasyon sa lalamunan, pananakit o paninikip ng dibdib, at pagluha ng mga mata.

Pinayuhan na ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may hika, sakit sa puso o iba pang respiratory at cardiovascular conditions na iwasan ang outdoor physical activities at manatili sa loob ng bahay, lalo na sa mga lugar na may filtered air.

Patuloy namang mino-monitor ng Iloilo City Operations Center ang haze at habagat kasama ang PAGASA at iba pang air-quality monitoring sources. | mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

September 2, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VP SARA IMPEACHMENT

Nilinaw ng Senate Impeachment Court na mananatili sa alas-diyes ng umaga ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.

Ito’y sa kabila ng panukala ni Senator-Judge Juan Miguel Zubiri na ilipat sa alas-tres ng hapon ang mga pagdinig upang hindi maputol ang mga talakayan dahil sa mga plenary session ng Senado.

Ayon kay Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero, maaaring magbago ang schedule kung kakailanganin, pero hindi ito maaaring biglain.

Nag-alinlangan naman sina Senator-Judges Pia Cayetano at Camille Villar sa panukala ni Senador Zubiri, lalo na’t inilatag ito sa labas ng caucus ng Senado.

Matatandaang nagsimula ang impeachment trial sa ganap na alas-diyes ng umaga matapos magbukas ang ikalawang regular session ng 20th Congress noong Hulyo a-bente syete, at karaniwang itinitigil dakong alas-tres ng hapon para bigyang-daan ang plenary session ng Senado. | sa panulat ni Jordan Gutierrez

August 13, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MARIKINA

Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan ng Marikina City sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mabilis nitong pagde-deploy ng mobile booster pump upang mabilis na pahupain ang mga binahang bahagi ng Barangay Malanday at Tumana.

Ayon kay Mayor Maan Teodoro, kinailangang humingi ng tulong ang Marikina LGU sa MMDA dahil pumalya umano ang lokal na pumping station sa Tumana.

Malaking tulong anya ang kagyat na pagresponde ng ahensya upang mas mapadaling makabalik sa normal na pamumuhay ang mga residente ng mga naaapektuhang lugar.

Umaasa rin si Teodoro na mapapalakas pa ang ugnayan ng Marikina LGU at ng MMDA upang mas mapaayos ang pagresponde ng mga ito sa baha.

Matatandaang umabot sa lagpas 17 meters ang peak level ng Marikina River matapos ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga nakalipas na araw; habang saglit na umakyat kagabi ang lebel ng ilog sa 15 meters, o first alarm.  | sa panulat ni Anjo Riñon

August 13, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
vp

Tiwala ang kampo ni Vice President Sara Duterte na mababakasura lamang ang reklamong grave threats na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa kanilang kliyente.

Ayon kay Atty. Paul Lawrence Lim, legal counsel ni VP Sara, inaasahan na nila ang nasabing kaso at handa silang kwestiyunin ito sa Quezon City Regional Trial Court.

Iginiit din ng kampo ng Pangalawang Pangulo na presumed innocent pa rin ang kanilang kliyente habang umaasa sila na ibasura ang mga kasong isinampa laban kay V.P. Duterte.

Kaugnay ang nasabing kaso sa mga banta ni VP Sara laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Kasama rin ang mga naturang pahayag sa Article 4 ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente na kasalukuyang dinidinig sa Senate Impeachment Court.  l mula sa panulat ni Jordan Gutierrez

August 12, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest