Sa ikalawang sunod na taon ay itinanghal na Best Filipino Newspaper ang Pilipino Mirror sa ginanap na 17th Gawad TANGLAW noong ika-8 ng Mayo 2019 sa Museo ng Muntinlupa. Pinangunahan nina Pilipino Mirror Editor in Chief Rey Briones (pangalawa mula sa kaliwa) at General Manager Jocelyn Siddayao (pangalawa mula sa kanan) ang pagtanggap mula kay Dr. Ellen E. Presnedi (gitna), Pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, ng parangal na iginawad din sa Pilipino Mirror noong nakaraang taon. Kasama sa larawan sina Pilipino Mirror Advertising and Sales Manager Cris Galit at Nora Bonogan. Kuha ni RUDY ESPERAS
EVENTS
Photo Courtesy: Business Mirror
Nagsanib-puwersa na ang Aliw Media Group sa pakikipagtulungan ng Commission on Elections (Comelec).
Ito ay para sa malawak na media coverage ng midterm elections sa darating na Mayo, na “Hatol ni Juan” 2019.
Pinangunahan ng Aliw Media Group President at CEO D. Edgard A.Cabangon ang paglagda sa memorandum of agreement kasama si Comelec Spokesman James Jimenez.
Sumaksi rin sa nasabing MOA signing sina dating Press Usec. Robert Rivera, Project Manager ng Hatol ni Juan, Aliw Broadcasting EVP Ely Aligora, at mga punong patnugot ng Pilipino Mirror, Business Mirror at mga himpilan ng RPN o Radio Philippines Network.
Magkakaroon din ng pakikibahagi ang taong bayan sa bawat tanong na ilalabas kaugnay ng eleksyon na ilalathala at isasahimpapawid ng Aliw Media Group.
By Edwin Eusebio
Isang fund raising dinner concert ang magsisilbing kick off para sa yearlong celebration ng ika-apatnapung anibersaryo ng Catholic Mass Media Awards (CMMA).
Ang dinner concert ay may titulong Dinner with the Cardinal: Sharing a Moment of Grace at gaganapin mamayang alas-6:00 ng gabi sa Citystate Tower Hotel sa Mabini Street, Ermita Manila.
Pangungunahan mismo ni CMMA Honorary Chairman Luis Antonio Cardinal Tagle at CMMA Board of Trustees Chairman D. Edgard Cabangon ang pagsalubong sa mga bisita.
Mapapanood sa concert ang premiere soprano ng Pilipinas na si Rachelle Gerodias at kanyang asawang Koreano na si baritone Byeong-In Park.
Nakatakda ring mag-perform sa fund raising event ang One Voice Choir ng Sto. Niño de Paz Greenbelt Chapel sa Makati City at Light Side Movement Choir ng San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City.
—-
(Sa panulat ni Abigail Tan, DWIZ Correspondent)
Napaluha sa galak ang mga inmates o PDL (Persons Deprived of Liberty) ng Antipolo City Jail nang binasa ng kanilang mga anak na naluluha din ang ginawang liham ng mga ito (anak) na naglalaman ng pasasalamat, pag-aalala at pagmamahal para sa kanilang mga nakakulong.
Ang okasyong ito ay pamaskong handog ng DWIZ 882 sa pamumuno ng kanilang News Director at Head ng Public Service na si Jun R. Del Rosario, kasama ang mga staff ng Public Service, Sales, Marketing, HR, Traffic, Finance, 97.9 Home Radio at ng Antipolo City Jail na pinamumunuan naman ni J/Supt. Mirasol Vitor.
Nagkaroon ng mga palaro para sa mga PDL ka-partner ang kani-kanilang mga anak, may awitan, at may sayawan din na pinangunahan naman ng mga sundalo mula sa 11th CMO Battalion ng Philippine Army.
Bahagi ng programa ang masayang pagtanggap ng mga anak ng PDL ng mga regalo at laruan mula sa donasyon ng PAGCOR, at ang ikalawang bahagi ay ang madamdaming pagtanggap ng mga PDL ng liham mula sa kanilang mga anak o pamangkin kasama ang regalong toiletries na donasyon naman ng SOGO Hotel at Taguig Lions Club International.
Walang pagsidlan ang kaligayahan ng mga PDL nang mayakap at makasalo nila ang mga anak at mga asawa sa pagkain, mga tinapay at juice na pahatid nina Ms. Mocha Uson, ng Gardenia, Tinapayan Festival, Pingping Lechon at ng Tang.
Layon ng nasabing proyekto na maipadama sa mga inmates na habang naghihintay sila ng desisyon sa kani-kanilang mga kaso sa loob ng rehas ay may mga tao pa rin na nagmamahal at nagpapahalaga sa kanila.
Ayon sa mga PDL, ang ilang oras na pagsasama-sama nila bilang pamilya ay siyang pinakamahalagang regalo na natanggap nila ngayong darating na kapaskuhan.
We’re currently having issues on our archiving, please ignore if you will be seeing outdated news articles displayed on the website.
Sorry for the inconvenience and thank you for understanding!
-DWIZ Website Administrators
DepEd Sec. Briones binigyang parangal sa ‘Amb. Antonio L. Cabangon Chua Gintong Parangal para sa Edukasyon’
Isa si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa ilang mga personalidad na binigyang pagkilala ng Fortune Life sa Ambassador Antonio L. Cabangon Chua Gintong Parangal para sa Edukasyon.
Kasabay din nito ang ika-pitong parangal para sa guro at ikalawang taon naman ng parangal para sa pamumuno na ginawa sa bulwagan ng karunungan sa punong tanggapan ng DepEd sa Pasig City.
Maliban kay Secretary Briones, binigyan din ng parangal si Ginoong D. Arnold Cabangon, pangulo ng Fortune Life Insurance Corporation, DepEd Usec. Lorna Dino at Ms. Erlinda Legaspi.
Gayundin ang mga guro na nagpakita ng katangi tanging pagganap sa kanilang tungkulin at naging huwaran sa kanilang mga mag aaral.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ng mga opisyal at kawani ng DepEd, Fortune Life gayundin ang ALC group of companies at Aliw Broadcasting Corporation Chairman D. Edgard Cabangon.
(Ulat ni Jaymark Dagala)
TINGNAN: DepEd Sec. Briones, kabilang sa mga binigyang parangal sa Amb. Antonio Cabangon Chua Gintong Parangal para sa Edukasyon | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/NX6izpOCu9
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 12, 2018
Pinasaya ng DWIZ 882, sa pakikipagtulungan ng 97.9 Home Radio ang higit 400 mga estudyante mula sa Payatas C Elementary School sa Quezon City nitong Biyernes, Hunyo 8, 2018.
Bukod sa pamimigay ng mga regalo at school supplies, isang storytelling din ang isinagawa para sa mga bata na pinangunahan ni Dr. Luis Gatmaitan, Palanca Hall of Fame awardee at children’s book author. Ikinuwento ni Dr. Gatmaitan ang obra nitong “Sandosenang Sapatos” na nagkamit ng unang gantimpala sa Timpalak Palanca noong 2001.
Iba’t ibang palaro rin ang inihanda na kinagiliwan ng mga estudyante tulad ng Bring Me, Stop Dance at Longest Word. Lahat ng mga nanalo ay nabigyan ng mga papremyo.
Sorpersa ring bumisita si Eldar The Wizard at Princess Victoria ng Enchanted Kingdom kung saan ay naghandog pa ang mga ito ng sayaw para sa mga bata.
Ang naturang programa ay parte ng misyon ng DWIZ 882 na maghatid serbisyo publiko para sa mga pinaka-nangangailangang kababayan bilang pasasalamat sa patuloy na pagkamit ng tagumpay ng istasyon na sumasahimpapawid na sa loob ng 27 taon.
Hindi magiging matagumpay ang Balik Eskwela kung hindi dahil sa pakikipagtulungan ng mga sponsors at media partners:
-Enchanted Kingdom
-Hiyas (Children’s books)
-The Pastry Cream Bakehouse
-Lemon Square Cheesecake
-The Joy of Giving by Ms. Cristine Pascua-Halili
-Mega Sardines
-CPHA Food Services
-Trinity Marketing Inc.
-Happy Haus Donuts
-CNN Philippines
-Pilipino Mirror
-OMF Literature Inc.
Lubos din ang pasasalamat ng DWIZ 882 sa buong pamunuan ng Payatas C Elementary School, sa mga class advisers, personnel at sa principal ng paaralan na si Mr. Eliseo Manaay Jr.
‘Love Rocks’ concert ni Stephen Bishop kasama si Richard Merk gaganapin sa Mayo 22
Magbibigay kasiyahan sa kanyang “Love Rocks”, concert ang American songwriter na si Stephen Bishop bukas, Mayo 22, alas otso ng gabi sa New Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.
Kilala Ang Oscar and Grammy nominee na si Stephen Bishop sa kanyang mga pinasikat na kanta gaya ng “It Might Be You”, “Separate Lives”, “Something New In My Life”, “On and On” and “Save It For A Rainy Day”
Kasamang magpe-perform ni Stephen Bishop ang isa ring Grammy nominee na si Bobby Wilson na nakilala sa mga kantang “Your Love Has Lifted Me Higher”, “Get the Sweetest Feeling”, “Lonely Teardrops” at si J Michaels na nag record ng kantang “Wildflower”, “Smoke from a Distant Fire at “I Just Can’t Help Believing.
Kasama ding magpapasaya sa concert ang singer/actor/composer at radio anchor at prince of jazz na si Richard Merk.
Si Richard Merk ay mapapakinggan dito sa DWIZ sa kanyang musical program na “Words & Music” tuwing Sabado mula alas tres hanggang alas kwatro y medya ng hapon.
Para sa mga nais manood ng concert at mag-relax tumawag lamang 967-96-22 o sa mobile number na 0917-318-0183 o sa 0917-719-1634.
Ipinagdiwang ng Aliw Broadcasting Corporation ang ika-27 taong anibersaryo ng kumpanya na ginanap sa head office ng A.B.C. sa Pasig City.
Alas 11:00 ng umaga nang simulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang misang pinangunahan ni Father Hanz Magdurulang ng San Felipe Neri Parish.
Matapos nito ay nagbigay ng talumpati si Aliw Broadcasting Chairman at Chief Executive Officer Edgard Cabangon.
Pinangunahan naman ni A.B.C. General-Manager Randy Cabangon ang pagbibigay parangal sa 2018 Service Awardees mula sa head office hanggang sa provincial operations.
Kabilang sa mga tumanggap ng parangal sina A.B.C. Executive Vice President at DWIZ Program Director Eladio “ely” Aligora na nagsilbi sa loob ng 25 taon.
Dumalo rin sa selebrasyon ang ilang anchor at host ng mga programa sa DWIZ tulad nina dating Bulacan Governor Obet Pagdanganan ng Galing Mo Pinoy, Ganda Mo Pinas; Atty. Trixie Angeles ng Karambola at Ka Freddie Aguilar ng Pusong Pinoy.
Taong 1991 nang itatag ang Aliw Broadcasting Corporation bilang pangunahing major commercial broadcasting organizations sa bansa.
Sa kasalukuyan ay 12 radio stations ang pinangangasiwaan ng ABC kabilang sa pangunguna ng DWIZ 882 na flagship A.M. Station at Home Radio 97.9 bilang flagship F.M. Station.
Gracing the opening day of the Manila International Auto Show happened last April 5 at the World Trade Center in Pasay City, Isuzu Gencars is again taking the speed to the next level as it unveils the newest Isuzu engine, the RZ4E Blue Power.
RZ4E advances in new technology featuring an optimized size with high performance, excellent fuel economy, low noise and vibration, low exhaust emission and easy serviceability.
Indeed, Isuzu Gencars never stop evolving, moving with the community on the road to progress and success.
Present in the event are (from left to right) Ariel Raymundo – Sales and Marketing Manager, Lerma O. Nacnac – Executive Vice President, Gencars, Inc, D. Edgard A. Cabangon – President and CEO, Gencars, Inc, and Beth Dimacuha – VP Southern Luzon Operation.
Visit the website for more details: www.isuzu-gencars.com.ph
—-