Halos naipalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang 99% ng national speding program para sa 2019.
Ayon sa DBM, noon palamang katapusan ng Nobyembre ay umabot na sa P3.62-T ang ipinalabas at ginamit para sa obligation program ng gobyerno.
Layon nitong mapabilis ang ginagawang mga proyekto ng pamahalaan kabilang ang konstruksiyon ng mga bagong kalsada, paaralan, ospital at iba pa.