Handa na ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa buhos ng mga pasahero sa mga paliparan ngayong Disyembre.
Ayon kay CAAP Director General Captain Jim Sydiongco, pinagana na nila ang CAAP Balik Pasko 2017 program para matiyak na walang magiging aberya sa byahe ng mga pasahero.
Kanselado na anya ang bakasyon ng lahat ng kanilang kawani at inabisuhan na ang OTS o Office of the Transportations at PNP Aviation Security Group na magdeploy ng sapat na tauhan noong nakaraang taon pumalo anya sa 18.3 million ang bilang ng mga pasahero sa holiday season.
Pinaalalahanan din ng CAAP ang kanilang mga tauhan sa pinaiiral na no gift policy.