Interesado si Sen. Risa Hontiveros na maging Minority Leader sa pagpasok ng 20th Congress.
Ayon sa Senador, hangad ng sinumang taga-Minority Bloc na maging Minority Leader, lalo na kung nagtagumpay ito na magdagdag ng kaalyadong senador.
Wala rin aniya silang balak na sumali sa ‘Duterte Bloc,’ na binubuo ng mga senador na kaalyado ni dating pangulong rodrigo Duterte.
Kung ang grupo aniya ni dating pangulo ang magiging minority, mayroon na silang “Plan B,” kung saan bubuo sila ng independent bloc.
Nangangahulugan ito na hindi sila mapapabilang sa minority o majority ng senado.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)