Dalawang container na naglalaman ng ibat ibang meat products ang nakumpiska ng Department of Agriculture sa Manila port.
Ito ang inanunsyo ni Agriculture Secretary William Dar ngayong Sabado, Oktubre 26.
Aniya, ang mga nasabing container ay nagmula sa China at kataka-takang mga pork products ang laman nito kahit na tomato paste at vermicelli ang naka-deklarang nilalaman nito.
Kabilang sa mga nilalaman ng container ang pork meat, dimsum, dumplings, at pecking duck.
Napag-alaman din na ang consignee ng naturang containers ay mula sa isang kumpanya na Jeniti International Trading sa Binondo, Maynila.
Inaalam na ng Bureau of Animal Industry (BAI) kung ang mga pork products ay infected ng African Swine Flu (ASF).
Matatandaang pinagbawal na ng Pilipinas ang pag pasok ng mga pork products mula sa mga bansang apektado na rin ng ASF tulad ng China.