Tuturuan ng basic Korean language ang mga pulis na itatalaga sa mga Tourist Protection desks.
Ito’y matapos na makapagtala ng mga krimen laban sa mga south korean at iba pang dayuhang turista sa bansa.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission Usec. Gilbert Cruz, mismong South Korean authorities na ang nag-alok na magturo ng basic Korean language training sa mga pulis.
Kabilang sa mga napaulat na karaniwang krimen sa ilang south korean national ang pagnanakaw, fraud, at homicide.