Nagpasya si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto, Chairman ng Senate Ethics Committee na mag-inhibit o iwasan ng lumahok sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee hinggil sa kontrobersya sa Bureau of Customs.
Ito’y dahil tatayo siyang Judge Referee sa mga Ethics Complaint na inihain laban kina Senators Antonio Trillianes at Panfilo Lacson.
Nakatakda namang sumulat si Sotto kina Senate President Koko Pimentel, mga Chairman ng Blue Ribbon, Justice at Public Order Committees para ipaabot ang kanyang pasya na mag-inhibit sa imbestigasyon.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE